Chapter 25:New Home

19 3 0
                                    

Vanessa's Pov:

"Sabi ng doctor makakalabas ka na mamaya.Vanessa,oo nga pala bumili na kami ng bagong bahay ng papa mo.Binenta nanamin yung lumang bahay natin pero ang bahay nila dati ay di nila ibebenta."sabi saakin ni Mama.

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Nakakatuwa lang kasi na buo na ang family namin.

"Anong oras po ang uwi ni Fire?Si Ice po pumasok na po ba sya?."tanong ko kay Mama.

"Hindi sila pumasok.Excited na kasi silang pumunta sa bagong bahay.Alam mo tuwang tuwa si Fire kasi sabi nya dalawa na ang mama nya.Yung isa daw ay Angel na tapos ay ako.Nakakatuwa na tanggap nya ako."tuwang tuwa na sabi ni Mama.

"Paano awesome ka."sabi ko sabay kindat.

Tinawanan naman ako ni Mama sa sinabi ko.

Bigla namang may pumasok na nurse.

Tatanggalin na daw yung mga nakalagay saakin.

Nung matapos na ay pumasok na sila Ice at Fire sa loob kasama si Papa.

"Hello ate Vanessa."masiglang bati ni Fire.

"Hi Fire!"masigla ring bati ko.

"Alam mo ba ate ang laki ng House.May music room si Kuya.Tapos ikaw may library.Tapos may Play Ground dun.Tapos may 5 na rooms.Isa for New Mama at Papa,Isa for kuya Yelo at isa for you.Tapos isa for me.Tapos isa for bisitas."

"New Mama?Ok lang ba kung Mama nalang?."tanong ni Mama.

"Sige po Mama nalang po ang tawag ko sainyo."sabi ni Fire.

"At ate Vanessa may malaking garden tayo."dugtong pa ni Fire.

"Talaga."sabi ko kay Fire.

"Tsaka ate Vanessa sabi ni kuya Andrew lagi na daw syang pupunta sa bahay.Ang saya nga eh."tuwang tuwa na sabi ni Fire.

Nginitian ko naman sya.

"Bakit ba gusto mo si Andrew ha?."tanong ni Ice kay Fire..

"Kasi lagi nya akong kinekwentuhan about kay ate."sabi ni Fire.

Ngumiti nalang ako.

"Ahm papa oo nga pala sino na ang magbabantay ng restaurant ko?."tanong Fire.

Haha sya nga pala si Chef Fire.

"Tayo pa din."nakangiting sabi ni Papa.

"Ahhhhh sige po."sabi ni Fire.

Napaka cute talaga ng batang yan.

"Mama,Saan po ba yung Company mo?Company din po ba sya ni Papa?."tanong ni Fire.

Aba!Napakadaming alam na nitong batang ito ah.

"Company natin yun."sabi ni Mama.

"Yehey!."tuwang tuwang sabi ni Fire.

May pumasok uli na nurse sa kwarto at sinabing pwede na daw kaming umalis.

Pero in a taray way ha.Yung may taas kilay effect na parang sya ang may-ari ng ospital.

Tumawa kaming lahat nung lumabas na yung Nurse sa kwarto.


Lumabas na kami ng kwarto habang tumatawa.

May kinausap muna sila Mama at Papa ng ilang doctor.

Lumabas na kami ng ospital.

Sumakay na kami sa sasakyan papunta sa bago naming bahay.

Ang Hero Kong GitaristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon