Vanessa's Pov
"Mag iingat kayo ha."Sabi ni Mama.
"Ice,Drew bantayan niyo si Vanessa ha."sabi ni Papa.
"Opo Papa."sabi ni Ice.
"Syempre naman tito."sabi ni Drew.
Napangiti naman ako sa kanila.
Sana walang mangyari saaking masama.Ang sama kasi ng Pakiramdan ko eh.Ewan ko.
Sumakay na kami sa sasakyan.
Saktong 5:00 am kami nakarating sa school.
Hinanap ko kaagad sila Jane,Mae at Claud.Nang makita ko sila ay dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila.
"Hello!!!!!."Bati ko sakanila.
"Uy ha sa bahay niyo pala natulog si Drew."Sabi ni Jane.
Tumango nalang ako sa kanila.
"Si Maxine at Jana?."tanong ko sakanila.
Sakto nama't dumating na yung dalawa.
Sama-sama kaming pumunta sa Gymnasium ng school.
Sumunod naman saamin ang Secret Band pati si Johan.
Kumpleto na lahat ng Section Love at Honesty mula grade 7 hanggang 10.
Pumunta na kami sa hanay ng mga grade 9.
Umakyat na ang Teacher Organizer ng Team Building si Ma'am Roxas.
"Good Morning class!!So hindi na ako mag papaligoy ligoy pa.Mamaya sa bawat room niyo ay may pupunta sa Inyong teacher at ichecheck ang mga dala niyo.Lahat ng girls ng Grade 7 ay mag kakasama ganoon din ang 8-10.Ang boys ganoon din.Ang mga activities natin ay ito:Treasure Hunting,Team Yell,Performance,Cleaning drive at Ball.Ipapaliwanag nalang gagawin sa bawat activity ay pag kabalik niyo dito mamaya.Ang rules ay
1.bawal mag tapon ng basura sa paligid ang parusa ay mababawasan ng isang Damit.
2.Bawal ang pakalat kalat na gamit parusa ay pagkatapos ng Team Building ibabalik.
3.Stay with your partner ang parusa ay di kayo makakapasok ng room.Yun lang.Pumunta na kayo sa Quadrangle at hanapin ang mga ka group niyo.May mga mag aabot sainyo ng mga papel pag labas niyo dito.Naandoon name ng grupo niyo.Ang tema natin ngayon ay kanta."sabi ni Ma'am Roxas
Sama-sama kami nila Jane,Mae,Claud,Jana at Maxine na lumabas sa Gym.Inabutan ako ng isa sa mga organizer ng Team Building.Tinanggap ko naman ito
Mahal Kita Pero
Sabi ng papel na hawak ko.Sa pinaka baba ay ang nakalagay ay Partner Spidey.
Nangunot naman ang noo ko.
Ano ito?.
Wala na akong nagawa at hinanap nalang ang team ko.
Lumapit ako sa isang team
"Mahal kita pero po ba ito?."Tanong ko.
"Hindi eh.Strings ito."sabi ng isang babae.
Nag-lakad nalang ako nang nag lakad.
"Ayun.Mahal kita pero siya diba."sabi ng isang lalaki.
Lumapit naman ako sakanila.
"Mahal kita pero po ba ito?."tanong ko.
"Oo miss nakalagay sa Papel."sabi ng lalaki.
Ngumiti naman ako sa kanila.
"19 palang tayo kulang pa ng isa."sabi nung lalaki kanina.
"Naandito na ako."at lumapit si Drew saamin.
BINABASA MO ANG
Ang Hero Kong Gitarista
Teen FictionVanessa Nicollete Noraisco Aka Babaeng malapit sa disgrasya. Isang babae na laging napapahamak. Isang babae na laging nililigtas ng isang Gitarista. Laging naandyan para iligtas sya. Pero paano kung dumating sa punto na ang ikakaligtas nya ay may ma...