part 16

51 6 5
                                    

Part 16
Nangyari ngang nagtungo sila kay Arcules kasama ang bata. Doon sa liblib na lugar nakita nila si Arcules. Nagpakilala ang mga ito sa kanya, alam ni Arcules na papunta sila don sapagkat isa iyong propesiya. Nagtanong-tanong si Posei sa kanya tungkol sa kanyang katauhan, kung paano babalik ang normal niyang itsura ngunit sagot nito walang lunas sapagkat hindi iyon sakit o sumpa. Ipinaintindi ni Arcules sa kanya na ang kalagayan at mga kakayahan ay tadhana ang mga iyon sapagkat siya ang nakatadhanang tao na makakapaslang kay Hades. Sinabi niya sa binata na ang gagawin nila ay dapat magsanay siya nang husto na kontrolin ang natatanging lakas na taglay taglay niya.
Kaya yon na nga ang nangyari hanggang sa dumating ang araw ng kanyang kapanganakan at nangyaring siya ay naging tunay na lobo. Ngunit nasambit ni Arcules na kapag lubusang na kontrol niya na ang kanyang kapangyarihan magagawa niyang magkatawang tao. At nangyari ngang nagawa niya dahil sa kanyang pag-eensayo.
Sa pagiging tao niya muli naging normal ang kanyang itsura ang kanyang mala lobong tainga at mapupulang mga mata ay nabago at nangyaring kanyang ginupit ang mahaba niyang buhok.

At nangyaring pinabalik ni Arcules si Posei sa kaharian nila syempre isinama niya ang mga kaibigan. At doon masayang nagkita sila ng ama.
Ang pagbabalik sa kanilang kaharian ay hindi para manatili na doon kundi para magpaalam si Posei sa kanyang ama na kinakailangan niya na mawala ng mahabang panahon. Dahil sa kanyang misyon na pigilan si Hades na sakupin ang mundo.

At nangyaringang naglakbay muli si Posei kasama si Panter at Lea at ang asong si Mumo.
Naatasan sila ni Arcules na kinakailangan nilang makuha ang sandatang makapangyarihan ito ay isang kwentas ngunit nagpirapiraso ito at nagkalat sa ibat ibang lugar.
Inuna nila na hanapin ang isang piraso sa kaharian ng mga taong ibon. Ang kaharian ay nasa himpapawid at natakpan ito ng makapal na ulap kinakailangan nila ng masasakyang lumilipad na kabayo para makarating dito. Ngunit nangyaring nahirapan sila sa pagkuha ng masasakyan sapagkat may nag-aalaga sa mga ito. Si Pega, kinakailangan muna nilang resulbahin ang pagsubok na ibibigay nito bago sila makakuha ng masasakyan. At iyon nangyari ngang nagbigay ng pagsubok si Pega, inatasan niya ang mga kaibigan niyang hegante na kalabanin niya ang mga ito.
Dahil magagaling sila Posei natalo ang mga hegante at ayon naka kuha na sila ng mga Pegasus o mga kabayong may pakpak.
At sila nay nagtungo sa himpapawid at hinanap ang kaharian ng mga taong ibon.
Sa makapal na ulap na kung saan malakas ang sinag ng araw sa lugar makikita ang kumikinang na kastillo na yari sa Ginto. At ayon kanilang tinungo ito at nangyaring hindi basta basta ang kanilang pagpasok sapagkat mayroong mga gwardiya sa malawak na pintuan. At ayon sila'y nikiusap ngunit hindi padin sila napapasok hanggang nainip si Posei sa kanila at kanyang sinira ang malaking pintuan at doon sa loob nagkagulo ang mga taong ibon. Nakarating ito kay Angtan ang kanilang hari at agad naman lumipad ito patungo sa kinaroroonan ni Posei. Nagtanong siya sa mga ito kung ano ang kanilang pakay at kanila namang nasambit. At ayon nangyari ngang sila'y pinatuloy sa loob ng magarang kastillo at doon sila'y nagkakalilala. At ayon naalala ng pinuno ang propesiya at kanya naman agad ibinigay ang isang bahagi ng mahiwagang kwentas na kanilang prinoprotektahan ng matagal na panahon.
Nangyari nang binasbasan ng pinuno at mga iba pang taong ibon ang mga ito at kanila nang ipinagpatuloy ang paghahanap pa ng iba pang bahagi ng kwentas. Sinabi ni Angtan na magtungo sila sa tribo ng mga cyclops o ang mga taong hegante na may iisang mata, doon makukuha nila ang ikalwang piraso ng kwentas.
At sila ngang nagtungo sa malayong kagubatan na napakakulimlim na kung saan doon makikita ang mga cyclops. At doon sila'y naghanap ng naghanap ng ilang oras ngunit wala silang natagpuan. Nangyaring sila ay napagod at namahinga sa tabi ng malaking talon at doon naligo narin. At doon kanilang napansin nasa talon may tila kweba na natatakpan kanilang tinignan at nasilayan nilang kweba nga ito kaya agad naman nilang sinundan ang malaking butas hanggang sa masilayan nila liwanag na papalapit sa kanila. At nang maratnan na nila ito nasisilayan nila ang napakalawak na lugar na napakaganda na ang mga puno at halaman ay kakaiba malalaki at magaganda. Sila'y namangha at kanilang inikot-ikot ang malawak na lugar upang hanapin ang mga cyclops. At sa wakas nakita na nila ang napakalaking puno na kung saan sa itaas nito may napakalaking kastilyo na nabalot ng mga naggagandahang halaman. At doon nahirapan silang makaakyat sapagkat ang mga hagdanan ay malalaki. Kaya kinailangan nila ang tulong ng mga pegasus, kanila namang agad tinawag ang mga ito at sila namay agad dumating at ayon nangyaring sila ay lumipad paitas patungo sa kastilyo na nasa itaas ng malaking puno. At sa kanilang paglabag may mga gwardya. At nangyari na naman na ayaw silang papasukin ngunit ginawa muli nilang nagpumilit at ayon sila'y nakapasok at kanilang hinarap si Banig ang pinuno ng tribo. At doon sinambit nila ang kanklang pangangailangan. Batid nang pinuno ito at agad namang ibinigay ang matagal na pinuprotektahan na piraso ng kwentas na binalot nila ng magandang bulaklak na hindi namamatay.
Sila na'y nagpaalam agad at ang tribo sila'y binasbasan. Sinabi ng pinuno na sila'y magtungo sa kanluran na kung saan ang lugar ay nabalutan ng niyebe doon makikita nila ang tribo ng mga Scianopodes o ang mga one leged humans doon nila makukuha ang ikatlong piraso ng kwentas. Nangyaring kanilang tinungo ang lugar at pagdating doon hindi naging madali ang paghahanap sa tribo sapagkat marami silang nakalaban na snow creatures katulad nalang ng mga monster snow at mga wolf na kung saan kinailangan ni Posei na mag-anyong lobo upang labanan ang mga ito. Nangyari namang kanilang natalo ang mga ito at ayon sila'y napagod at kinailangang mamahinga. Gumawa sila ng maliit na tent at nagpa apoy upang sila ay mainitan. Habang sila ay natutulog sila ay nabagabag sapagkat tila lumilindol ang paligid. Agad naman silang nagsigising at kanilang sinilayan ang paligid at ayon kanilang nakita ang tatlong batang Scianopodes na naglalaro malapit sa kanila. Nilapitan nila ang mga ito at kinausap, nagulat ang mga bata sapagkat hindi pa sila nakakita ng tao sa buong buhay nila. Ngunit nagawa nila Posei na makausap ang mga ito ng marahan at ayon nangyaring silay nagkasundo-sundo. At ayon nangyaring inilagay ng mga bata sila Posei sa kanilang bulsa at sinimulan nang tumalon ng tumalon patungo sa kanilang kastilyo.
At doon kinausap ang pinunong si Mino tungkol sa pakay. Alam na ni Mino ito kaya agad naman niyang ibinigay ang ikatlong piraso ng kwentas.
Nagpasalamat sila Posei bago sila umalis binasbasan ng mga Scianopodes sila at sinabi nila ang susunod na pupuntahan. Sa Hilagang karagatan doon kinakailangan nila na hanapin ang mga sireno't sirena. Sa pagpunta nila doon sinabi ng pinuno na mahihirapan sila sapagkat ang pinuno ng mga water creatures ay masama at kasapi ito ni Hades si Gatan.

The Werewolf SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon