Part 9
Kabilugan na ng buwan, lumabas na nga ang halimaw.
Athena ; nararamdaman ko papalapit na ang halimaw sa nayon na ito. Kailangan wag nating hayaang makapasok dito sa nayon ang halimaw kong makakapasok siya dito sigurado maraming masisira at mamatay. kaya kumilos na tayo habang wala pa siya dito. Tayo na !
( pumunta sina Posei , Lea , Panter , at Athena sa kinaruruunan ng halimaw ).
Posei ; hoy! halimaw hanggang jan ka nalang !
Lalin ; hindi halimaw ang pangalan ko. Sino ba kayo para pigilan ako ?walang makakapigil sa akin gutom na ako at kailangan ko ng kumain, tamang-tama din naman ang dating niyo. Humanda kayo , kakainin ko kayo !
Posei ; ang dami mo pang sinasabi halimaw !( umatake si Posei gamit ang Paa niya ).
Panter ; wag kang padalos-dalos Posei !
Lalin ; sabi nang hindi halimaw ang pangalan ko Lalin ang pangalan ko. ( pinahaba ni lalin ang kanyang kamay at hinuli ang paa ni Posei saka niya iniangat )
haaaaay gutom na ako kakainin ko ang lamang loob mo.
Athena ; itigil mo yan halimaw ka ( gumamit si Athena ng apoy, ibinato niya ito sa halimaw )
Lalin ; ang kati naman yon. Ano ba yon ? ( inulit ni Athena ang ginawa niya ).
pake alamero kang babae ka ! ( hinampas niya si Athena gamit ang isa niyang kamay na humahaba, pagkatapos non bumagsak siya at nawalan ng malay ).
Panter ; walang hiya ka halimaw ! alam mo ba ang pinaka ayaw ko sa lahat yong pumapatol ng babae.
Lea ilayo mo dito ang iyong ina kami na ang bahala sa halimaw na ito.
Lea ; sige ( gumamit si Lea ng healing power,pinagaling niya ang kanyang ina saka sila umalis patungo sa bahay nila ).
dito kana muna ina kailangan ko silang tulungan don.( iniwan niya ang kanyang ina sa kanilang bahay )
Athena ; sige anak mag-iingat ka.
Inilabas ni Panter ang kanyang espada saka niya pinutol ang kamay ni Lalin na nakahawak sa paa ni Posei. Umatake naman si Lalin gamit ang buhok niya pinahaba niya ito at ginawang matutulis sa pag-atake nito pinuputol naman nila Panter at Posei ang kanyang buhok upang hindi sila matamaan. Nang dumating si Lea ginamitan niya ang halimaw ng water power, ng ginamit niya yon bumagsak ang halimaw ngunit nagawa niya pang tumayo at gamutin ang sarili.
Panter ; ibang klase tong halimaw na ito. Itong para sayo ! ( umatake si Panter gamit ang wind power ngunit kinain ni Lalin ang hangin pagkatapos non lumaki siya ).
Posei ; malaking problema to ang laki na niya, wag kang padalos-dalos kasi sa pag-atake mo Panter.
Lea ; gamitin niyo ang espada niyo butasan niyo ang katawan niya para maalis ang hangin ! ngayon na ! ( ginawa nila ang sinabi ni Lea, naalis nga ang hangin at bumalik sa dati ang halimaw ).
gamitin mo ang apoy at hangin Panter !
Panter ; sige ! , itong para sayo halimaw ka ! ( tumama ito sa halimaw ngunit wala itong epekto, binalot ng halimaw si Panter sa pamamagitan ng kanyang humahabang buhok saka niya itinapon, dahil don napinsala si Panter ng subra at hindi niya nagawang kumilos pa. Habang si Posei naman inatake niya si Lalin gamit ang kanyang espada pinaapoy niya ito pero hindi parin sapat yon para mapinsala ang halimaw ng tudo. Nang nakita ni Lea si Panter agad niya itong, tinulungan ).
Lea ; nako , grabe ang pinsala mo hindi kita magagawang magamot ngunit may magagawa ako para hindi mo maramdaman ang sakit ng mga napinsala sa katawan mo.
Panter ; salamat Lea ( habang ginagamot niya si Panter nikikipaglaban si Posei sa halimaw ).
kailangan ko nang tulungan si Posei.
Lea ; hindi pwede dito kana muna ako na ang tutulong sa kanya ,hindi mo pa magawang maikilos ang katawan mo.
Nagtulungan si Posei at Lea na kalabanin ang halimaw, hanggang sa napinsala rin sila ng tudo,bumagsak na si Posei sa lupa habang si Lea naman binalot ni Lalin ng kanyang buhok.
Posei ; Lea, patawad hindi ko magawang paslangin ang halimaw.( nakatulog si Posei )
Lea ; Posei hindi ka pwede matulog gumising ka ! ( sinigawan niya si Posei, pinilit ni Lea na makawala sa buhok ng halimaw kaya ginamitan niya ito ng fire power, nang nakawala siya minadali niyang ginamot si Posei ginamit niya ang lahat ng lakas niya upang magamot si Posei. Habang ginagamot ni Lea si Posei inatake ng halimaw sila gamit ang kanyang kamay na humahaba ngunit pilit na pinigilan ni Panter ang halimaw pinutol niya ang kamay ng halimaw ngunit ilang sandali din tumubo muli ang kamay ng halimaw na naputol. Inatake ng halimaw si Panter sa atakeng iyon hindi nakaiwas si Panter dahil don napuruhan na siya. Bago bumagsak si Panter nagamot na ni Lea si Posei ngunit hindi parin nagising ito, bumagsak si Lea dahil nagamit niya ang lakas niya upang gamutin si Posei ).
Lalin ; ang hina pala niyo akala ko malalakas kayo ( tumatawa , kinuha niya si Lea iniangat niya ito ).
kakainin na kita , mukhang masarap ka kaya ikaw ang uunahin ko pagkatapos non ang mga kasama mo naman.
Lea ; Posei gumising ka ( nanghihina na nagsasalita. Nanaginip si Posei nakita niya sa kanyang panaginip si Athea ang kanyang ina ).
Posei ; bakit nandito ako , anong lugar to ? patay na ba ako ? ( maulap ang lugar ).
Athea ; hindi ka pa patay anak , bumalik kana kailangan ka ng mga kaibigan mo, gumising kana gising na . ( gumising si Posei , nakita niya kakainin na ni Lalin si Lea , nagalit siya biglang may lumabas sa kanyang katawan na apoy na lumiliyab na nababalot ng tubig. )
Lea ; kaya mo yan Posei ( nanghihina )
Posei ; itigil mo yan ! ( pinaliyab niya ang espada ng apoy na nababalutan ng tubig ).
Lalin ; buhay ka pa pala bata.
Posei ; oo, at papatayin na kita . ( umatake si Posei gamit ang kanyang espada sa pag-atake niya nabitawan ni Lalin si Lea, agad naman ni Posei sinalo at inilagay siya sa tabi Sinugod niya uli ang halimaw, napinsala ang halimaw ngunit hindi pa ito bumabagsak. )
Lalin ; talagang ginagalit mo ako bata ka ! ( nagbago ang anyo ni Lalin, may lumabas na maraming galamay sa kanyang likuran at nababalot ito ng maiitim na enerhiya, inatake ni Lalin si Posei natamaan si Posei dahildon nanghina siya pero ipanagpatuloy niya parin ang pag atake niya. )
Posei ; ang tibay naman ng halimaw na ito ( bumagsak siya sa lupa at matatamaan na sana siya ng atake ni Lalin pero sinalo ni Panter. )
bakit mo ginawa yon Panter !
Panter ; paslangin mo siya Posei para sa amin. ( nanghihina na nagsasalita ).
Posei ; walang hiya ka halimaw kaaaaaaaaaaah! itong para sayo ,tanggapin mo to ! ( gumamit siya ng apoy at tubig pinaghalo niya ito at saka niya ibinato sa halimaw, natamaan ang halimaw,bumagsak ito at namatay pagkatapos naglaho nalang ito, biglang nanghina at bumagsak si Posei dahil subrang napakalakas ang enerhiya na inilabas niya ).
BINABASA MO ANG
The Werewolf Spirit
WerewolfWala akong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang Diyos dahil sarili ko mismo ako ay kinakalaban. Sa aking paglalakbay susubukan kung hanapin ang mga sagot sa aking mga katanungan ... ...POSEI