Part 13
Nagpatuloy sila sa paglalakbay nagtungo sila sa direksyong itinuro ni Saagi, sa kanlurang hilaga ng lugar kung saan sila nanggaling. Gaya ng dati hindi naging madali ang pagpapatuloy nila ng kanilang paglalakbay, maraming pagsubok na naman ang hinarap nila at isa na dito ang bayang nadaanan nila ang bayan ng Ganah.
Lea ; kakaiba tong lugar na ito, tahimik at parang walang katao-tao.
Panter ; oo nga.
Posei ; tignan niyo sa malaking templo na yon may mga tao !
Lea ; oo nga merong tao , tara don.
Panter ; sige ( pumunta sila sa templo )
Posei ; bakit tila lahat sila nagdadasal ?
Lea ; oo nga buti pa magtanong tayo ( nong nagtanong sila, tinaboy sila ng isang matanda )
Herma ; umalis kayo dito mga halimaw kayo ( tinapunan niya sila ng asin )
Lea ; teka lang, hindi kami halimaw.
Herma ; eh bakit ganyan ang itsura ng kasama mo, mukhang lobo at mukhang kambing.
Lea ; mabait yang mga yan.
Herma ; hindi ako naniniwala sa inyo ! lumayas kayo dito mga halimaw ( tinapunan na naman sila ng asin pero hindi umepekto )
Lea ; o diba po hindi kami halimaw kasi hindi umeepekto yang asin mo sa amin.
Herma ; oo nga tama ka , ipagpaumanhin niyo sige tumuloy kayo sa loob. ( sa pagpasok nila namangha sila dahil napakalaki ng templo at sa loob nito may mga hardin )
Posei ; ang ganda dito hindi ko akalaing ganito kalawak eh samantalang pag tinitignan mo sa labas maliit naman.
Herma ; isa itong magic temple, ang nakikita niyo sa labas na itsura nito ay hindi totoo isang harang lang yon upang maitago ang templo.
Panter ; ah ganon po ba eh sino yong mga nasa labas ? bakit sila nagdadasal ?
Herma ; mga tagataboy ng halimaw ang mga yon, at isa ako sa kanila Herma ang pangalan ko.
Panter ; ah ganon po ba.
Lea ; bakit marami po bang halimaw na pumupunta dito ?
Herma ; tama ka marami nga kaya palagi kami nandon upang hindi sila makapasok dito sa templo.
Lea ; ah sa tingin ko yon ang dahilan kung bakit naparito kami sa lugar na ito.
Posei ; ano wag mong sabihin na mikikipaglaban na naman tayo !
Herma ; tama ka batang lobo , misyon niyo yon matagal namin kayo hinihintay. Pumasok kayo sa silid na ito , para makapagpahinga at makakain. Aalis na muna ako.
Posei ; sandali hindi pa tayo tapos mag-usap !
Herma ; mamaya nalang tayo mag-usap kapag nakapagpahinga kayo.( umalis na siya , habang nakaupo sila may nag serve sa kanila ng pagkain, magandang babae at kaedad lang nila siya si Mona )
Mona ; magandang araw po sa inyo , eto po ang pagkain niyo.
Posei ; ano naman ang maganda sa araw na to ?!
Panter ; ano ba Posei wag mo naman bastusin ang magandang binibini na to. binibini maraming salamat sa pagkain ano ba pangalan mo ?
Mona ; ako si Mona ,
Lea ; salamat sa pagkain Mona ako nga pala si Lea.
Panter ; ako naman si Panter.
Lea ; ano ba Posei ang takaw mo ah magtira ka naman para sa amin ! ah siya nga pala si Posei pagpasensyahan mo na siya kasi masungit yan magsalita kasi prinsipe sa kanila, pero pag nakilala mo siya ng maigi babait din yan sayo.
BINABASA MO ANG
The Werewolf Spirit
WerewolfWala akong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang Diyos dahil sarili ko mismo ako ay kinakalaban. Sa aking paglalakbay susubukan kung hanapin ang mga sagot sa aking mga katanungan ... ...POSEI