Part 2
Pagkatapos ng pangyayaring yon naglaho si Jena at Kora,sa pagdating ni Juno mula sa pagsasanay ng kanilang kawal nakita niya nalang na walang malay si Athea na nakahiga sa sahig ng kanyang silid.
Juno ; Athea anong nangyari sayo ?! Gredo tawagin ang mga babaylan ngayon din !
Gredo ; opo mahal na hari.
Juno ; bilisan niyo !
( Si Gredo ang pinakamagaling na mandirigma siya ang matalik na kaibigan ni Juno )
Pumunta ang mga babaylan at pinagaling nila ang reyna. Pagkagising ng reyna sinabi niya lahat ang pangyayari kay Juno.
Juno ; hindi! hindi maaaring mamatay ka aking asawa hindi ko makakayanan yon.
Athea ; wala na tayong magagawa, hindi natin kayang labanan ang sumpa ni Kora. Ang maaari mulang gawin ay palakihin mo ang ating anak na mabuti, pag lumaki siyang mabuti maaari niyang kontrolin ang sumpa ni Kora sa kanya.
Dumating na ang araw na manganganak si Athea at nangyari nga ang sumpa,pero bago namatay ang reyna binasbasan niya ang kanyang anak na sa paglaki nito magiging mabuting tao siya. Ang kanyang anak ay lalaki kakaiba ang itsura, pula at mahaba ang buhok,may taingang lobo at kulay asul ang mga mata.Pinangalanan siyang Posei na ang ibig sabihin ang anak ng nagmamay-ari ng ispirito ng tubig.
Hindi naging madali ang mundo ni Posei dahil sa kanyang itsura,maraming tao ang may ayaw sa kanya,dahil salot at malas daw ang dala nito sa kanilang lugar.Kahit ganon lumaki si Posei na may busilak na puso sa tulong ng kanyang ama at mga nagmamahal sa kanya. Noong 8 taong gulang na si Posei nagsimula na siyang magtanong kung bakit ganon ang kanyag itsura, ngunit inilihim muna ng kanyang ama ang pangyayari noon sa kanya at sasabihin niya nalang ito pag may hustong gulang na si Posei.Sa paglaki ni Posei kasabay nito ang paghahanap ng kanyang ama ng lunas sa kanyang sumpa,matagal na panahon na naghahanap sila pero hindi parin sila makahanap. Hanggang sa magbinata na si Posei wala paring lunas na nahahanap.
16 taong gulang na si Posei kailangan niya nang mag-aral at mag-ensayo upang maging magaling siyang mandirigma at maging handa na maging hari. Ngunit ang pagiging hari ay hindi niya kailanman hinangad dahil sa kanyang itsura. Ang nais niya lang ay mamuhay ng tahimik,payapa at maging normal. Dahil don nagdesisyon si Posei na maglakbay at hanapin ang sarili, at ang lunas sa kanyang itsura.
Juno ; anak kailangan munang mag-aral,bilang taga pagmana ng truno, kailangan mong mapag-aralan kung paano maging hari.
Posei ; ngunit ama alam niyo naman na wala akong interest sa sinasabi mo at hindi ako karapat-dapat dahil ang tingin ng mga tao sa akin halimaw.
Juno ; alam ko anak na wala kang interest na maging hari, dahil sa itsura mo. Naniniwala ako sayo anak na kaya mo dahil mabuti kang tao.
Posei ; salamat ama sa tiwala niyo sa akin, ngunit ang gusto ko munang gawin ngayon ay maglakbay upang hanapin ang aking sarili at hanapin ang lunas sa aking itsura. Alam ko po ama na marami kayong hindi sinasabi sa akin kong bakit ganito ako kaya ako na mismo ang hahanap ng sagot. Kaya hinihiling ko po sayo na payagan niyo ako sa gusto ko, bata pa ako ama maaaring sa paglaki ko tatanggapin ko rin ang truno niyo.
Juno ; ikaw narin ang nagsabi anak na bata ka pa , sa edad mong yan hindi kapa pwede maglakbay.
Posei ; napalaki niyo po ako ng tama ama kaya naniniwala po ako na kaya ko. Kaya pakiusap payagan niyo ako sa gusto ko ( lumuhod sa ama ).
babalik rin po ako kapag karapat-dapat na ako sa truno niyo.
Juno ; kung yon ang gusto mo pinapayagan kita.
Posei ; salamat ama, babalik po ako dito at sa pagbalik ko handa na po akong maging hari.
Juno; sige anak mag-ingat ka sa iyong paglalakbay,eto kunin mo ang espadang ito para may pangproteksyon ka.
Posei ; paalam ama.
BINABASA MO ANG
The Werewolf Spirit
WerewolfWala akong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang Diyos dahil sarili ko mismo ako ay kinakalaban. Sa aking paglalakbay susubukan kung hanapin ang mga sagot sa aking mga katanungan ... ...POSEI