Part 7
Sa pagkalipas ng 2 araw natuto narin si Posei na kontrolin ang apoy ngunit nahirapan siyang ihalo ang tubig sa apoy, 1 araw nalang kabilugan na ng buwan kaya maghapon at inabot na ng gabi na nag-ensayo si Posei.
Athena ; Lea tawagin mo si Posei para magpahinga na siya.
Panter ; ako nalang ho.
Lea ; ako nalang Panter.( pumunta si Lea kong saan nag-eensayo si Posei at hinikayat niya ito para magpahinga ).
Posei kailangan mo nang magpahinga.
Posei ; wala na akong oras na magpahinga kailangan kong mag-ensayo.
Lea ; ngunit pagod kana magpahinga kana.
Posei ; hindi pa ako pagod.
Lea ; sige kung ayaw mong magpahinga kukunan nalang muna kita ng pagkain para makakain ka.(kumuha siya ng pagkain )
eto kumain kana.
Posei ; salamat ( kumain na siya )
aaaah! ano bang pagkain to ang sagwa ng lasa !
Lea ; isda yan na nilagyan ko ng dahon ng tokwang damo. Maganda yan para sayo kasi nanjan lahat ng nutrisyon para sa katawan mo.
Posei . haaaaay... wala na bang ibang pagkain jan ? ayaw ko nito ang sagwa ng lasa !
Lea ; meron pero gabi na tinatamad na ako magluto.
Posei ; buti nalang gutom ako kung hindi,hindi ko talaga kakainin to.
teka lang may damo ba na tokwa ?
Lea ; meron pero iilan lang at nakukuha pa ito sa mapapanganib na lugar.( nakangiti si Lea na minamasdan si Posei " ang gwapo talaga niya " ).
Posei ; masarap pala ito habang tumatagal. Salamat sa pagkain na ito malakas na ulit ako, babalik na ako sa pag-eensayo.
Lea ; teka lang may sasabihin ako. Pwede bang magkwentuhan muna tayo ?
Posei ; ( tatanggihan sana niya si Lea pero nakita niya na malungkot ito kaya pumayag siya ).
o sige ikaw na mauna magkwento.
Lea ; alam mo ba 6 na taon palang ako non, masaya kaming pinapanood ng aking ama ang buwan, kabilugan ng buwan noon kaya maganda panuurin. Sa mga oras na iyon biglang may halimaw na umatake sa amin mahaba ang buhok niya at kaya niyang pahabain ano mang parte ng katawan niya. Papatayin na sana ako ng halimaw na yon ngunit niligtas ako ng aking ama, gumamit si ama ng kapangyarihan para pigilan ito pero hindi siya nagtagumpay dahil masyadong malakas ang halimaw na iyon. Nang bumagsak na ang aking ama kitang kita ko kinain ng halimaw ang laman loob niya. ( umiiyak na nagkwekwento, niyakap niya si Posei ).
pakiusap Posei paslangin mo ang halimaw na yon para sa aking ama.
Posei ; oo gagawin ko yon.
Lea ; ngayon ikaw naman ang magkwento ( habang nagkwekwento si Posei nakatulog si Lea. )
Posei ; haaaay... hindi nalang sana ako nagkwento tutulugan rin pala ako ng babaeng to ( binuhat ni Posei si Lea at inihatid sa kanyang silid )
ang bigat pala nito payatot naman.( paalis na si Posei ng biglang nagsalita si Lea )
Lea ; pwede bang matulog ka dito para may kasama ako ?
Posei ; pero...
Lea ; sige na wala akong kasama.
Posei ; sige na nga, pero dito nalang ako sa sahig.
Lea ; malamig kaya tabi nalang tayo dito ( tinabihan ni Posei si Lea na natulog, nakayakap si Lea sa kanya habang natutulog sila ).
BINABASA MO ANG
The Werewolf Spirit
Hombres LoboWala akong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang Diyos dahil sarili ko mismo ako ay kinakalaban. Sa aking paglalakbay susubukan kung hanapin ang mga sagot sa aking mga katanungan ... ...POSEI