Part 12
Sa gubat na maraming kawayan sila napadpad, tahimik, medyo madilim.
Panter ; may nararamdaman akong hindi maganda dito.
Lea ; ako rin. kaya maghanda tayo.
Posei ; hmmmmn, maganda yan , kahit ano pa , kakalabanin natin !
( ilang sandali lang , may umatake sa kanila,malakas at napakabilis )
Lea ; aray ! ano yon ang bilis niya hindi ko nakita !
Posei ; nakita ko sila mga maliliit na hayop, pero kahit nakikita ko sila hindi ko sila magawang atakihin dahil napakabilis nila !
Lea ; sa tingin ko kaya na ito ni Panter .
Panter ; pero bakit ako lang ?
Lea ; oo kaya mo sila dahil taglay mo ang kapangyarihan ng hangin hindi ba ? umaasa ako sayo ! paslangin mo sila !
Posei ; tama si Lea. habang nikikipaglaban ka tatakas kami .
Panter ; bakit kayo tatakas ? pano ako ?
Posei ; wag ka nga duwag jan kaya mo yan !
Panter ; pero .
Lea ; wala nang pero-pero panter sige na gamitin mo ang hangin para makakilos ka na parang hangin , sa pagkakataong iyon makakatakas kami dito , at saka ka sumunod.
Panter ; sige tumakas na kayo ako na bahala sa mga bubwit na ito .
( tumakas si Posei at Lea )
Lea ; sige sumunod ka nalang sa amin , sasabihin ko sayo mamaya kong saan kami naroroon sa pamamagitan ng isip ko !
Habang kasalukuyang nikikipaglaban si Panter sa maliliit na hayop napadpad naman si Lea at Posei sa isang madilim na kakahuyan.
Posei ; anong lugar to ?
Lea ; nakakatakot. sa tingin ko dito nakatira ang matandang yon ! ( habang nag-uusap sila narinig nila ang boses ni Saagi )
Saagi ; hahahaha hindi ako nakatira jan ,jan nakatira ang mga alaga kong mababagsik na lobo.
Posei ; lobo lang pala eh ! hindi mo ba nakikita lobo rin ako.
Saagi ; alam ko , batang lobo , tignan natin kung magagawa mong tapusin sila.
Posei ; oo naman, pag nagawa ko yon ikaw ang isusunod ko ! ( lumabas ang mga lobo )
ngeeeh... ang lalaki nila, pero kahit malalaki kayo , kayang-kaya ko kayo.
Saagi ; hanggang ngayon wala pa kayong alam tungkol sa nangyayari sa inyo dito .talagang bata pa kayo.( biglang nawala ang boses niya )
Lea ; Posei sa tingin ko may mali dito .
Posei ; ha ! ano yon ?
Lea ; wag mo silang labanan Posei.
Posei ; pero papalapit na sila sa atin.
Lea ; alam ko na , ito ay isang pagsubok lang ng matandang yon, isa siyang tagapaamo ng kahit anong klase ng hayop.
Posei ; ano ibig mong sabihin ?
Lea ; paamuhin mo ang mga lobo. Nong una ang heganteng tubig nagawa mo yon kontrolin, pangalawa yong mga hayop na mukhang pusa, dapat pinaamo ko sila dahil sa akin ang pagsubok na iyon dahil paborito ko ang pusa, pangatlo yong mga maliliit na hayop kailangan ni Panter sila paamuhin, at pang apat ito, pangalawang pagsubok para sayo Posei.
Posei ; ano hindi kita maintindihan ?
Lea ; wag kanang magtanong , gawin mona ! kailangan kong kausapin si Panter para sabihin yon . ( kinausap ni Lea si Panter at sinabi niya nga iyon, sa oras na iyon bigla na naman nila narinig ang boses ni Saagi ).
Saagi ; matalino ka batang babae , pero sa tingin ko meron ka pa hindi nalalaman.
Lea ; alam ko na sa wakas nagawa ko rin nabasa ang isip mo tanda ! sa tingin ko nas malapit ka lang kaya nabasa ko ang isip mo.
Saagi ; magaling ka nga bata nakakabas ka pala ng isipan , hindi ko alam yon ( nawala muli ang boses ).
Lea ; Posei pag napaamo mo ang hayop na yan, maglalaho sila at makukuha mo narin ang espada mo.
Posei ; ha ganon ba ? sige gagawin ko.
Lea ; kailangan kong bumalik sa mga pusang yon kailangan kong makuha ang pana ko.
Posei ; sige mag-iingat ka ! ( sinabi ni Lea lahat ang nalalaman niya kay Panter sa pamamagitan ng kanyang isip habang papunta siya sa kinaruruunan ng mga pusa. )
Lea ; ay oo nga pala may nakalimutan ako , paano ko mapapaamo ang mga pusang to ?
alam ko na. ( naalala niya sa kanyang ina na si Athena kung paano magpaamo ng hayop, "ang pagpapaamo ng hayop ay simple lang, kailangan mo silang kausapin mula sa iyong puso, at iparamdam mo sa kanila na kaibigan ka at hindi mo sila sasaktan . )
Ginawa nga ni Lea yon at sa wakas napaamo niya ang mga pusa, sa oras na napaamo niya ang mga ito ,naglaho sila at biglang lumabas sa kanyang harapan ang kanyang sandata. Pero si Posei at Panter nahihirapan na silang magpaamo.
Lea ; sa wakas nalampasan ko ang pagsubok na binigay ng tandang yon.
ay... oo nga pala nakalimutan ko hindi ko pa pala sinasabi kay Posei at Panter kung paano paamuhin ang mga hayop. ( kinausap ni Lea si Panter at Posei sa kanyang isip sinabi niya ang kanyang nalalaman. )
Posei ; walang hiya ka bakit ngayon mo lang sinabi nahihirapan na ako dito.
Panter ; ikaw talaga bakit mo ngayon lang sinabi ! alam mo bang kanina pa ako dito !
Lea ; haaay wag na nga kayo magreklamo , may ginagawa din ako dito kaya ngayon ko lang nasabi.
Ginawa ni Posei at Panter ang sinabi ni Lea, medyo natagalan sila pero kalaunan nagawa din nila at nakuha na nila ang sandata nila... nong natapos na ang bawat pagsubok na binigay ng matanda sa kanila, nagpakita ang matanda at itinuro niya ang direksyon papunta sa Llama.
Saagi ; napakagaling niyo...
Posei ; hmmmn , oo naman ano akala niyo sa amin bubwit.
Saagi ; magpasalamat kayo sa babaeng kasama niyo, dahil magaling siya. hindi ko akalaing magagawa niyang bumasa ng isip , sa tingin ko ikaw ang anak ni Venus, tama ba ako iha ?
Lea ; nagkakamali po kayo , anak po ako ni Athena. Sino po ba yong tinutukoy niyo ?
Saagi ; akala ko anak ka ni Venus dahil siya lang ang alam kong nakakabasa ng isip, at sigurado mamamana yon ng kanyang anak.
Lea ; ganon po ba, siguro nagkamali lang po kayo.
Saagi ; siguro nga.
Panter ; hoy tanda alam mo bang nahirapan kami sa pagsubok na binigay mo !
Posei ; oo nga ! tapos ang daya mo pa dalawang pagsubok sa akin tapos sila isa lang.
Saagi ; hahahaha hindi ko alam yon ,
Posei ; anong hindi mo alam ! sinadya mo yon !
Saagi ; sige magpatuloy kayo sa lakad niyo , magtungo kayo sa direksyong yan. ah may nilagay pala ako sa mga sandata niyo na makakatulong sa inyo ( itinuro niya ang direksyon at biglang naglaho ).
Posei ; hoy hindi pa tayo tapos bumalik ka !
Lea ; salamat po paalam.
Panter ; tayo na , ...
Posei ; sandali hindi pa ako tapos sa matandang yon ! tanda asan kaba magpakita ka !
Panter ; hay nako tumigil kana nga jan tayo na !
Lea ; iwan na nga natin yan.
Posei ; sandali ! wag niyo naman ako iwanan dito !...
Lea ; haaay bahala ka sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
The Werewolf Spirit
WerewolfWala akong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang Diyos dahil sarili ko mismo ako ay kinakalaban. Sa aking paglalakbay susubukan kung hanapin ang mga sagot sa aking mga katanungan ... ...POSEI