Third Person's POV
Malalim ang bawat paghinga ni Yumiko habang nililibot nya ang tingin nya sa paligid.Madilim ang buong lugar.Halos wala syang makita.Nakatali ang dalawa nyang kamay sa isang bakal na poste habang may tela namang nakatakip sa bibig nya.Nakaupo lang sya sa maduming sahig.
Hindi nya alam kung nasaan sya.Noong gumising sya ay nakatali na sya sa poste.Takot na takot sya at basa na rin ng luha ang buong mukha nya dahil sa walang tigil na pag-iyak.
Kinuha nila ang lahat ng pwedeng magamit ni Yumiko para ma-contact ang asawa nyang si Saimon.Ang cellphone nya,relo na may tracker at ang kwintas nyang may tracking device.
Napapahagulgol na lang si Yumi.Wala syang magawa.Pakiramdam nya,sobrang hina nya dahil hindi nya kayang ipagtanggol ang sarili nya.Hindi tulad ng mga anak at asawa nyang kayang-kayang tumakas sa lugar na kinalalagyan nya ngayon ng walang kahirap-hirap.Isa pa...inaalala nya ang batang nasa sinapupunan nya ngayon...
May pumasok sa maliit na kwartong kinalalagyan ni Yumi.Nasilaw pa sya nang may liwanag syang naaninag dahil sa pagbukas ng pinto.Lumapit sa kanya ang isang lalaki at tinanggal ang telang nakatakip sa bibig nya.
"Kamusta ang prinsesa?"
'Pilipino,'bulong ni Yumiko sa sarili nya.
"Sino ka?Nasaan ako?Anong kailangan nyo sa 'kin?"
"Ang daming tanong.Eh kung ibalik ko kaya 'tong tela sa bibig mo?Kumain ka na."
Pabagsak nitong inilagay sa harap ni Yumiko ang pagkaing nasa plato.Nakaramdam ng gutom si Yumi nang makita nya ang pagkain.
"P-paano ako makakakain kung nakatali ako dito?"
"Pati ba naman 'yan,poproblemahin ko pa?Gumawa ka ng paraan.Hindi ako binayaran para dito.Tss."
Lumabas na ng kwarto ang lalaki at malakas na isinara ang pinto.Muling nilamon ng dilim ang paligid ni Yumi.She tried to stop her tears but she just ended up sobbing.
"Saimon,natatakot ako...Nasaan ka na...?"
--------------
Mabilis na naglalakad ang kambal sa kahabaan ng hallway ng Strike Organization.They are heading to the president's office.With their serious faces,dangerous presences and looks with authority,everybody can't do anything but to stop walking,look down then bow.
Bihirang-bihirang makita si Saisumi at Shunrei na magkasama sa loob ng head quarters ng Strike Organization.Sa katunayan nga,ito ang unang beses.
Hindi mo talaga mapipigilan ang sarili mong sundan sila ng tingin habang naglalakad sila.Bukod sa pareho pa rin silang naka-uniform ngayon,may kung ano sa presensya nila na humihila sa atensyon ng mga tao.
"Whoever did this will definitely pay.I will turn his head 720 degrees,counterclockwise,"nakakunot ang noo ni Shunrei habang sinasabi nya 'yan.'Di man halata minsan pero pinapahalagahan nya ng sobra si Yumiko.
"Unahan na lang tayong gawin 'yan,"sabi naman ni Saisumi.
Sa pamilya nila,si Yumiko ang pinakapinoprotektahan nilang tatlo dahil si Yumiko ang pinakamahina pagdating sa pisikal na labanan.
Pagkarating nila sa tapat ng office para sa presidente ng S.O.,binuksan agad ni Shunrei ang pinto.Naabutan nila si Saimon na nakaupo sa swivel chair at mukhang malalim ang iniisip.Sa itsura pa lang nya,mahahalata mo nang wala pa syang tulog.
Mag-iisang araw na simula nang ma-kidnap si Yumi.Ang huling track nila sa kwintas ni Yumiko ay nasa isang resthouse ito sa Batangas ngunit nang puntahan nila ito,wala silang nadatnang kahit isang tao.

BINABASA MO ANG
PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)
ActionIs he as dark as his eyes?