Chapter 49 "Requested Gift"

41.2K 1.5K 650
                                    

a/n: This photo is a book cover created by an awesome reader that I can't remember now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

a/n: This photo is a book cover created by an awesome reader that I can't remember now. Sobrang tagal na kasi. Although, it has a watermark. Haha. Sorry, I do have a bad memory. If you are still reading DEP and you read this, please do tell me who you are. I would love to dedicate this chapter to you.

At sa iba pang gumawa ng book cover dati, gusto ko kayong isama sa bawaat chapter. Sana masama ko lahat. Naa-appreciate ko talaga lahat ng gawa n'yo. Maraming salamat. :) Enjoy reading!

*****

Liryu's POV

"1 2 3 4 5-," mahinang pagbibilang ni Mirco habang ginagawa ang procedures ng CPR kay Malison. Nasa isang parang kweba kami na malapit sa pinaghulugan ni Malison. Ilaw lang galing sa cellphone ni Shunrei ang meron kami.

Tinititigan ko si Mirco. Halata sa mukha n'ya ang kaba. Basa rin s'ya tulad ni Matthew at Malison.

"Mal, please.." bulong pa ulit n'ya. Kita ko na sa kan'ya ang panginginig. Siguro, dahil 'yon sa lamig o pwede ring dahil sa kaba.

Nawawala na sa bilang si Mirco. Hindi ko alam kung tubig-alat pa ba 'yong tumutulo sa mukha n'ya o luha na n'ya mismo. Ilang minuto na n'yang sini-CPR si Malison pero wala pa ring nangyayari. Namumutla na rin ang labi ng kapatid n'ya.

There's no sign of life. Hindi namin nakikitang humihinga s'ya at mahina na rin ang pilso n'ya. Kung hindi pa s'ya gigising, baka huli na para maisalba s'ya.

Lumipas ang isang minuto..

"Mal.." Huminto na si Mirco at dumukmo kay Malison. Napahilamos sa mukha si Matthew. Gano'n din si Shunrei. Napatingin naman ako kay Sai na katabi ko. Tumango s'ya sa 'kin. Through her purple eyes, she's saying that everything will be okay.

Mirco was my best friend. Hanggang sa.. niloko n'ya ako at sapilitang kinuha ang girlfriend ko. Nagalit ako. Sinong hindi? Best friend ko s'ya simula no'ng grade 1 ako.

Sinasabi ko sa kan'ya lahat ng bagay na hindi ko masabi kila Louie. Sinasabi n'ya sa 'kin 'yong mga bagay na hindi n'ya masabi sa lahat. Ako 'yong inner voice n'ya. Kahit nga outer voice. Pero bakit kailangang mahantong sa gan'to 'yong pagkakaibigan namin?

Bakit..kahit sobra 'yong galit ko sa kan'ya, hindi ko maiwasang malungkot dahil sa nakikita ko ngayon? Na parang gusto kong umiyak kasama s'ya. Gusto ko s'yang damayan at sabihin 'yong sinasabi ni Sai na magiging maayos din lahat.

"Wake up, Mal.. Please.." Inangat n'ya 'yong ulo n'ya at nag-CPR ulit pero hindi na talaga tama 'yong ginagawa n'ya at wala na ring saysay 'yon. Tumayo na ako. Lumipat ako sa tapat n'ya saka ko s'ya pinigilan.

"Mirco-"

"No. She's not dead yet," tinanggal ni Mirco 'yong pagkakahawak ko sa kan'ya bago ulit s'ya nag-CPR. Panay pa 'yong punas n'ya sa mukha n'ya habang ginagawa 'yon.

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon