SPECIAL CHAPTER 1: "Proposal"

37.5K 1.2K 332
                                    

Happy Valentine's Day! -Mac

*****

"Who are you again?" hindi interesadong tanong ni Sai habang tinitignan ng malamig ang kaharap na mga lalaki. Hinarang s'ya ng mga 'to no'ng lumabas s'ya ng Grimson University.

Kasalukuyan silang nasa likurang bahagi ng building na katabi ng G.U. Kung tatantsahin, nasa fifteen o higit pa ang nakapaikot na mga lalaki kay Sai ngayon pero kahit gano'n ang sitwasyon, kalmado lang s'ya. Nakuha pa nga n'yang tumingin ng oras sa relo n'ya. Magkikita sila ni Liryu sa malapit na café. Hindi na s'ya pwedeng ma-late sa date nilang dalawa. Ayaw na n'ya ng bad record pagdating sa dates.

"Hindi mo talaga kami natatandaan? Ibang klase," sagot ng kaharap n'yang lalaki na mukhang leader.

Lalong nawalan ng buhay ang mga mata ni Saisumi. "Madami na akong nakilalang mga lalaki na hindi nakukunsensyang pagtulungan ang nag-iisang babae. Hindi ko na maalala kung sino kayo sa mga 'yon."

Isang tawang nakakaloko ang ginawa ng kaharap n'ya. Napakamot naman si Sai sa gilid ng kilay gamit ang hintuturo. Masyadong mahalaga sa kan'ya ang bawat segundo. Kung sa ganitong paraan nila sasayangin ang oras n'ya, siguraduhin nilang handa sila sa consequences.

"Fine." Sinuot ni Sai ng maayos ang backpack n'ya. Tinaas na rin n'ya ang sleeves ng suot n'yang denim jacket. "Away na agad para tapos na."

Sinipa n'ya sa sikmura ang lalaking kaharap. No'ng napaatras 'to, mabilis s'yang tumakbo papunta rito. Tumapak s'ya sa hita nito tapos ay sa dibdib saka n'ya hinawak ang dalawa n'yang kamay sa magkabilang balikat nito at iniangat ang sarili n'ya sa ere ng pabaliktad.

Sakto s'yang bumagsak sa lalaking nakatayo sa likod lang ng una n'yang pinuntirya. Bumagsak sa damuhan ang lalaki ng patihaya habang nakatungtong s'ya sa sikmura at dibdib nito.

Dalawa agad ang bumagsak sa loob ng sampung segundo.

Hinawi ni Sai ang buhok n'ya paalis sa pagkakasaboy sa kan'yang mukha. Then, she launched at the next guy. Iniwasan n'ya ang suntok nito. Pagkatapos ay s'ya naman ang sumuntok diretso papunta sa mukha ng kaawa-awang lalaki. Kung gaano kabilis ang naging suntok n'ya, gano'n din kabilis ang naging pagbagsak nito. Impressive.

Umikot si Sai paharap sa likod no'ng naramdaman n'yang may tao do'n. Sumuntok s'ya pero agad n'yang napigilan 'yon bago pa dumapo sa mukha ng kaharap.

Kumunot ang noo ni Liryu. "Nakikipag-away ka na naman? 'Di ba, sinabi ko na sa 'yong ayokong nakikipag-away ka?"

"Linya ko 'yan," casual na sabi ni Sai habang umaayos ng tayo. Totoo namang linya n'ya 'yon para sa boyfriend n'yang basagulero. Ginaya lang ni Liryu.

Ow, teka. Basagulero nga rin pala s'ya. Quits lang pala.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sai bago sinipa 'yong lalaking sumugod sa kan'ya.

"Late ka na ng 20 seconds sa date natin kaya hinanap na kita," sagot naman ni Liryu. Nakatayo lang s'ya sa harap ng girlfriend na parang walang nangyayaring gulo. Ni hindi n'ya pinapansin ang pagsuntok at pagsipa ni Saisumi sa mga lumalapit sa kanila.

Tumaas ang dalawang kilay ni Sai. "Paano mo ako nahanap?"

"Ahm.." Inosenteng nag-isip saglit si Liryu. After a few seconds, ngumiti s'ya ng matamis. "GPS?"

"Are you tracking me?" Sai asked frowning.

Tumingin sa iba't-ibang direksyon si Liryu, nag-iisip ng palusot. "It's just.. Ah.. I asked Louie to do something to.. to track you when I want..? Pero ginagamit ko lang 'to kapag nale-late ka, promise."

Bumuga ng hangin si Sai. Hindi n'ya alam kung saang kategorya n'ya ipapasok si Liryu. Sa pagiging possessive ba? Sa pagiging obsess? O pareho?

"By the way, you need help with those?" nguso ni Liryu sa mga lalaking nagtipon-tipon na sa likuran ng girlfriend n'ya.

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon