Chapter 53 "Dark vs. Purple"

44.3K 1.6K 700
                                    

Napuno ng sigawan at pagmamakaawa ang kwartong kinalalagyan ni Liryu at Miracle. Nakasara ang pintong bakal kaya walang nakakarinig na kahit sino sa labas kung anong nangyayari sa loob. Wala nang kwenta ang mga radyo at transmitter nila ngayon dahil nasira na ‘yon bago pa nila magamit.

Tumunog ang buto ng isang gwardya no’ng palipitin ni Liryu ang kamay nito.

“Ahh!” sigaw nito na may kasama nang pag-iyak. Wala itong magawa kundi ang ihampas ang isa pang kamay sa sahig dahil sa sobrang sakit no’n. Naglaro sa mga mata ni Liryu ang amusement na para bang tuwang-tuwa pa s’ya sa nakikita n’ya.

“Mahina pa ‘yong sigaw mo, alam mo ba ‘yon? Ang lalakas ng sigaw no’ng tatlo mong kasama,” dismayadong sabi ni Liryu habang pinapasadahan ng tingin ang tatlong lalaking nakapwesto sa sulok ng kwarto. Duguan ang mga ito at mukhang wala nang buhay.

Tumayo si Liryu ng maayos at hinila sa paa ang kaawa-awang gwardya papunta sa tatlong lalaki.

“Hindi. Pakiusap, ‘wag. ‘Wag!” pagmamakaawa ng gwardya. Pinilit pa nitong humanap ng makakapitan gamit ang isa pa nitong kamay na hindi palipit. Nahawakan nito si Miracle sa paa no’ng nadaanan nila ang babae.

“Ma’am, tulungan n’yo ako! Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay! Ma’am!”

Kitang-kita sa mukha ni Miracle ang sobrang takot. Basang-basa na ng luha ang pisngi n’ya. Ni hindi na s’ya makagalaw sa pwesto n’ya at halos mamaos na s’ya sa kakasigaw.

“Tss. Papahirapan mo pa ba ako? Ano bang kinakatakot mo? Mamamatay din tayong lahat. Papaagahin ko lang ‘yong sa ‘yo,” nawawalan ng pasensyang sabi ni Liryu.

Binitawan n’ya ang paa ng lalaki at lumipat sa harap nito. Tinignan n’ya ang kamay nitong nakahawak sa paa ni Miracle.

“You don’t have any right to touch my princess, you know?”

Hinawakan n’ya ang isang daliri ng gwardya at walang pagdadalawang-isip na binali ‘yon. Napasigaw si Miracle at halos gumapang na palayo pero hindi s’ya binibitawan ng gwardyang nagmamakaawa.

Tinignan s'ya ni Liryu.

"Why do you look so scared? 'Di ba, ito 'yong gusto mo? 'Yong tayong dalawa na lang? Ginagawan ko na nga ng paraan, eh."

Pinunasan ni Liryu ang pisngi ni Miracle habang tinatapakan n'ya ang baling braso ng lalaki. Inupuan n'ya pa nga ang likod nito saka nangalumbaba habang nakapatong 'yong siko sa tuhod.

Dahil sa sobrang sakit, nawalan na lang ng malay ang gwardya.

"Sa susunod, mahal na prinsesa, pumili ka ng mga gwardyang may pakinabang," bored na sabi n'ya sa kaharap na dalaga.

Parang mawawalan na rin ng malay si Miracle dahil sa takot. Gusto n'yang tumakbo pero hindi n'ya maalis ang kamay ng gwardya na nakahawak sa paa n'ya. Kahit wala nang malay ang gwardya, parang humihingi pa rin 'to ng tulong sa kan'ya.

"S-sabi ni Kurt, pampatulog 'yon. Tulog ka na dapat ngayon. Bumabyahe na dapat tayo. B-bakit gan'to?" wala sa sariling bulong ni Miracle.

"You really look like a princess. I don't want to ruin your pretty face, thou. Give me a minute. Pag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko sa 'yo."

Nag-isip saglit si Liryu. Lumibot pa ang itim n'yang mga mata sa buong kwarto na parang may hinahanap. Wala kang makikitang buhay sa mga mata n'ya. Walang kahit katiting na awa at pagsisisi do'n.

"Yu.. Please.. Tama na.."

Gumapang si Miracle papunta kay Liryu at nanginginig na hinawakan ang kamay ng binata. Nagsimula ulit s'yang umiyak.

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon