Chapter 5 "The War"

153K 5K 1.4K
                                    

Liryu's POV

Nagising akong nakahiga sa sahig ng kusina ng HQ.Sinubukan kong makatayo pero hindi ko maiwasang mapahawak sa noo ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.Nanlalabo pa rin ang paningin ko hanggang ngayon.

'Liryu...'

Natigilan ako bigla ng may maalala ako.

"Sai."

Agad akong nagpalinga-linga.Nasan sya?Bakit wala sya dito?

"Kinuha nila si Sai."

Napalingon ako sa kanan at nakita ko dun si Louie na nakaupo at nakasandal sa pader.Nakapikit sya habang sapo ng kaliwang kamay nya ang ulo nya.

"Gagamitin nila si Saisumi bilang premyo sa magiging laban mamaya."

Sabi naman ni Mirco na nakaupo sa pintuan ng kusina.Napatiim-bagang na lang ako sa sinabi nya.Dapat naisip ko ng mangyayari to.

"Sorry,boss...Hindi ko nagawang protektahan si Sai."

Tinignan ko si Ken na nakaupo sa gilid ko at nakayuko.Umiling ako.

"Wala na tayong magagawa.Nangyari na,Ken.Malakas si Sai.Alam kong makikipaglaro lang sya sa grupong yun habang hinihintay tayong dumating.Sa ngayon,ang magagalang natin ay hintayin ang oras ng laban."

Umiling-iling pa ako at inalog-alog ang ulo ko ng mawala naman ang hilo ko.Nakakabwisit.Ang lakas ng epekto ng pangpatulog na yun.

"Bakit parang napakakalmado mo.Liryu?Si Sai ang kinuha.Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?"-Louie

Natigilan ako saglit pero ilang saglit lang,napangiti na rin ako.

"Kay Sai,nag-aalala ako pero malaki ang tiwala ko kay Purple.Hindi sya mapapahamak."



Saisumi's POV

"Ano bang ginagawa mo?"

Iritadong sabi ko kay Zhyle na kanina pa tinitignan ang mga hibla ng buhok ko.Ang weird nya.

Ang weird nila.

"Brown ba tong buhok mo?"-Zhyle

Kung kaya ko lang ihampas ang kamay ko sa mukha ko,ginawa ko na.Kaso hindi eh.Iniupo at itinali nila ang kamay at paa ko sa isang upuan.

"Ano sa tingin mo?Pwede ba?Kung naiinggit ka sa kulay ng buhok ko,magpakulay ka na lang.Tss."

Sabi ko sa kanya kasabay ng paglayo ko ng kaunti ng ulo ko sa kamay nyang umamba na namang hahawakan ang buhok ko.

"Ayoko.I love my natural black hair,you know?"-Zhyle

Napabuntong hininga ako nung sa wakas,tinigilan na nya ang paglalaro sa buhok ko at naupo na lang sa couch na nasa harapan ko.

Natahimik ang buong paligid.Hindi ako mapakali sa titig sakin ng tatlong nakaupo sa couch.

Oo.Tatlo.

"Walang kwenta tong ginagawa nyo."

Basag ko sa nakakabinging katahimikan.

"Hindi nyo dapat ako dinala dito at itinali.Parang sinayang nyo na rin ang buhay nyo sa ginawa nyo.Nagkamali kayong kinalaban nyo ang Death Gang."-Ako

Tumayo si Kairen at lumapit sakin.Yumuko sya at itinapat ang mukha nya sa mukha ko.

"Wag kang masyadong mabilib sa Death Gang.Grupo lang sila ng mahihina at oras na matalo sila samin mamaya,sa amin ka na.*smirk*"

Tumawa ako ng nakakaloko.Tawang magpapatayo ng balahibo mo kapag narinig mo.

"Hindi ako magiging pag-aari ng kahit sino,Obreas.Kahit pa ang walang kwentang gang nyo."

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon