Chapter 19 "Resign"

106K 3.8K 701
                                    

a/n:Airelle_M_Armesto para sayo to.Enjoy.:)

Mirco's POV

"They are my step siblings."

Pagkatapos kong sabihin yun,naglakad na ako paalis.They're really bothersome.

Wala na talagang idinulot na maganda sakin ang magaling kong ama.Sa dinami-dami ng babaeng pwede nyang patulan...bakit sa may anak pa?Tss...

"Pano,uuwi na kami ng mga kapatid ko."

Sarkastikong sabi ni Kairen.Kinalma ko ang sarili ko at hindi na lang sila pinansin.Sumunod yung magkapatid sakin sa paglalakad papunta sa parking area.

"Kuya Mirco,pwede bang sayo na lang ako sumabay pauwi?"-Khira

Binuksan ko yung pintuan ng kotse ko sa bandang driver's seat.

"Doon ka sa kapatid mo sumabay."

Malamig na sabi ko kay Khira bago ko tapunan ng tingin si Kairen na nakaupo sa hood ng kotse nya habang nakahalukipkip.

"*smirk*Kapatid mo din naman sya."-Kairen

"Kuya?!"-Khira

"What?May mali ba akong sinabi?Totoo naman.Kahit anong gawin nyang iwas satin,hindi mababago ang katotohanan na kapatid na natin sya ngayon."

Khira looked at me with apologetic expression and I answered it with an uninterested look.

"Wala akong kapatid."

Sabi ko sa kanila bago ako tuluyang sumakay sa kotse ko.

Kahit kelan...hindi ko sila matatanggap bilang bahagi ng pamilya ko.Hinding hindi.

Saisumi's POV

Alas-kwatro na ng umaga at nakauwi na kami ni Shun sa bahay.Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong magshower.Habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang twalya,naalala ko si Shun.

Gising pa kaya sya?Gusto kong marinig ang masasayang kwento nya tungkol sa nangyari sa kanya kanina.

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko,lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa pinto ng kwarto ni Shun.Hindi ko na sya hinintay na magsalita at binuksan ko na kagad yung pinto.Nakahiga na sya sa kama nya at nakatalukbong ng kumot habang nakatalikod sa direksyon ng pinto pero alam kong gising pa sya.

"Kamusta ang date?---Oh,I mean,kamusta ang festival,Shun?"

Pabirong tanong ko sa kanya bago ko isara ang pinto.Hindi sya nagsalita.Umupo na ako sa gilid ng kama nya at tinapik sya ng mahina.

"Come on,Shun.Magkwento ka."

"Hindi ko kailangang magkwento kung ikaw ang kasama ko kanina."

Umikot sya paharap sakin pero nakatalukbong pa rin sya.

"Mas masaya sana kung ikaw yung kasama ko."

Napabuntong hininga ako at humiga na rin sa kama nya.Niyakap ko sya kahit nakabalot sya ng kumot.

"Nagpaliwanag na ako kanina,di ba?Akala ko ba,naintindihan mo?"

"Nagseselos ako...Mas mahal mo na ba ang mga kaibigan mo ngayon kesa sakin?"

"Hay naku...."

Binigyan ko sya ng isang napakahigpit na yakap.Nakakagigil ka talaga,Shun.Ang sarap-sarap mong yakapin!

"Oh ngayon,sige.Iyong-iyo lang ako.Magfestival tayo ngayon dito sa loob ng mansyon.Isali natin yung mga maid at butler."

"Hime naman eh..."

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon