Saisumi's POV
"Hindi nakakatuwa yang biro mo,Sai.Tara na nga.Gutom lang yan.Ililibre na lang kita."
Hinawakan nya ako sa kamay at akmang hihilahin na ako paalis pero hindi ako umalis sa pwesto ko.Nakatayo lang ako d'on habang nakayuko.Hindi ko sya kayang tignan.Para to kay Mom.Para to sa magiging kapatid ko.Kailangan kong pakawalan si
Liryu...Dahil mas masasaktan lang sya kung itutuloy ko to.
Narinig kong nagmura sya.
"Sai!Sabi nang tara na!"
Umiling ako.Pinipigilan kong tumulo ang luha ko.Ayokong umiyak...pero hindi ko mapigilan.Tinraydor ako ng mga luha ko.
"Kailangan na nating maghiwalay dito..."
"Ayoko."
Naramdaman kong lalo pang humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Kelan ka pa natutong magbiro ng ganyan?Kanino mo natutunan yan?"
"Ryu,"Umiling ulit ako."Magpapaalam na ako..."
"Stop!"Biglang sigaw nya.Napaluhod na sya sa damuhin at ang sunod ko na lang na narinig ay ang iyak nya.Sunod-sunod na rin ang pagtulo ng mga luha ko.Ang sakit pala talaga ng ganito.Ang makitang umiiyak yung taong mahal mo dahil sayo.
"Masaya ka na?Napaiyak mo na ako.Tumigil ka na,"sabi nya sakin habang tuloy pa rin sa pag-iyak.Pinupunasan nya ang mga luha nya gamit ang braso nya.Nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang pagpipigil na humagulgol din.Gusto kong magwala.
Bakit ba nangyayari to?Wala ba talaga akong karapatang sumaya?
Pinunasan ko ang luha ko.
"Kailangan kong gawin to,Ryu..."
"Bakit...?Anong dahilan...?Ayaw mo na ba sakin?"Hindi nya ako tinitignan pero alam kong umiiyak pa rin sya dahil panay ang punas nya sa mukha nya.
I want to hug him and say 'Let's go somewhere far from here.Be with me forever.'.But I have no right to be selfish now.
"Alam mo namang mahal na mahal kita,di ba...?"
"Paano mo nasasabi yan matapos mong sabihin kaninang nakikipag-break ka na...?Pinaglalaruan mo ba ako?Wala lang ba sayo tong nararamdaman ko?"
"May dahilan ako,Liryu..."
"Sabihin mo sakin yung dahilan,Saisumi!Hindi ako manghuhula!"
Pumikit ako at huminga ng malalim.Lahat nang pinractice kong linya kanina na sasabihin ko dapat sa kanya,hindi ko na maalala.Blangko na ang utak ko.Naging manhid na siguro dahil sa sakit.
"Ikakasal na ako."
Napaangat ang ulo nya nang marinig nya 'yon.Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata nya.Curse you,Kurt.
"A-ano...?"
"Ikakasal na ako sa iba,Ryu...Magpapakasal ako para kay Mom...She's in danger at kailangan kong magsakripisyo para sa kanya."
"Fvcking sacrifices!Sana sinaksak mo na lang ako!Patayin mo na lang ako!"
I sniffed and leaned down to him.Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at pinunasan ang luha nya.
"'Wag mo akong iwan..."Pakiusap nya sakin habang hirap na hirap syang pigilang tumulo ulit ang luha nya.Niyakap ko syang sobrang higpit.
"Live,okay...?Hihintayin ko yung oras na magkikita ulit tayo...Dito man o sa ibang mundo na.I love you..."
Third Person's POV
At a secret place...
It's a masquerade party.Everyone is stunning.Everyone is mysterious.Some are good,others are bad but all of them is threatening.This is the party for the twins' birthday.The party that they will never forget.
BINABASA MO ANG
PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)
ActionIs he as dark as his eyes?