The Recidivist - 7

72 3 2
                                    

I was in the middle of a dream about ruling the entire universe when I was cut off by someone calling my name. Di ko na dapat papansinin kaso 'di ata nakuntento ang hinayupak, kinalog pa ako kaya bumangon na ako at tinignan ng masama yung punyetang malakas ang loob na gisingin ako. 


"You finally woke up." Kuya was standing at the foot of my bed with his arms crossed. 


Napakunot yung noo ko. "First of all, why the hell are you here inside my unit? Second, anong karapatan mong gisingin ako? For the love of God, I was having a satisfying dream. Thank you very much." 


"I was sent here to wake you up. First day of work, remember?" He pointed out. 


Naalala ko bigla yung inemail nung ilaw sakin na hindi ko binuksan. Punyeta. Humiga ulit ako sa kama at nagtago sa ilalim ng kumot. "Go away." sabi ko. 


"You didn't read the e-mail that he sent, didn't you?" As if that wasn't obvious. Narinig kong bumuntong hininga si Kuya. "To summarize it, your school days off will be your working days. Weekends will be your rest day."


I ignored him. Pinikit ko yung mata ko at sinubukang bumalik sa tulog kaso naramdaman kong sumampa si Kuya sa kama ko at dinaganan ako. "Gumising ka naaaa!" 


"Bastos kang hayop ka ah." Gusto ko sana siyang itulak para malaglag kaso masyado siyang mabigat para sakin. Punyeta, hirap maging sexy. "Anak ng pitong balyena naman! Ang bigat mo, mahiya ka naman hoy!" 


Hindi padin siya umaalis sa pagkakadagan sakin. Pakiramdam ko nadudurog na lahat ng buto ko sa katawan dahil sa kanya. "Oo na! Babangon na! Ayoko pa mamatay, layas!" 


***


Punyetang mundo. Punyetang Kuya. Punyetang ilaw na nakangisi ngayon sa harap ko at parang tuwang tuwa pa na hawak-hawak ni Kuya yung kamay ko papasok. "Pwede mo na ba ako bitawan? Mukha bang makakatakas pa ko?" Nakakairita talaga. 


Nung bumitaw siya, I was supposed to make a run for it pero natigil ako nung nagsalita si Kuya. "Wag mo na subukang tumakas, may mga bodyguard na nakabantay sa labas. Kung ako sayo, magtitino nalang ako." He gave me a pat on the head before leaving. 


Pakyu, Kuya. Sisiguraduhin kong di patatahimikin ni Suzy ang bawat araw mo. "Good Morning, Ms. Umali." Oo nga pala, nandito siya. 


"Get to the point, wala akong oras para makipag-pabebehan sayo." 


"Let's start with Office Etiquette, shall we?" He then handed me a thick pamphlet. Kasing kapal ng mukha niya. Libro nga para sa exam di ko binabasa, eto pa kaya? Ano siya, sineswerte? "If you cooperate, I'll give you an extra day off. It means you'd only have to see my face one a week. Is that fair enough?" 


"Wow naman, alam niya paano ako paikutin." 


Ang dami niyang sinabi buong araw. Ang dami niyang inexplain. Sumakit yung panga ko kakangiti sa mga babaeng mukhang clown yung make-up. Kung 'di lang dahil ayokong pumasok dalawang beses sa isang linggo, kanina ko pa pinahiran ng basahan mga mukha nila. 


Now that I think about it, bakit walang subject sa high school na nakalaan para matuto ang mga estudyante ng mga ganitong bagay? #g0sh #IUcares 


"That wasn't so bad, was it?" Tanong ni Light sakin. 


"Ibalibag kaya kita ngayon? Ahe." Pang-aasar ko sa kanya. Inirapan ko siya pagtapos nun at umalis na ako. The mere fact that I have to act like a saint once a week sends shivers down my spine. 


Hayop. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RecidivistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon