"Excuse me, dadaan ang maganda." Sabi ko sa mga nakahara sa daan ko.
"Ha? Di naman ako dadaan ah?"
Napataas ang kilay ko sa sinagot ng impakta. "Well duh, dadaan nga ang maganda diba? Anong akala mo, ikaw? Ilusyunada." Nung umulan ng kakapalan ng mukha, di 'to nagpayong. "Tumabi ka nga, hampaslupa."
"Ang aga pa ha tapos your mood's already masama, what happened ba?" Tanong ni Suzy sakin.
"Three letters: O-J-T. My mom wants me to get a job, punyeta diba?" Kaya pala hindi ako sinermonan nung nakaraang araw, may pinaplano pala.
"Oh eh anong meron dun? We need that naman para maka-graduate ah."
"Si Satanas at yung asawa niya ang pumili ng pago-OJT-han ko. Meron akong 3 choices. Mamaya may interview ako sa dalawang company." Pinapangunahan naman kasi ako eh.
"I honestly do not get your point."
"Ay ewan ko sayo, wag mo 'kong kausapin. Naiimbyerna ako sa pagmumukha mo."
***
"Iyana Umali, please proceed." Oh whatever.
Pumasok ako sa loob ng office at umupo sa upuan na nasa harapan ng mga magi-interview sakin. Hay nako, ano ba naman 'tong mga magi-interview sakin, ang papanget ng make-up. Di ba uso simplicity sa kanila? Mas makapal pa sa make-up ng bakla.
"Well, aren't you going to introduce yourself to us? Aba, Miss Umali. Hindi kami mag-aaksaya ng oras sa isang mangmang na walang alam sa proseso ng interviews." Wow, mangmang. Ba't di niya i-apply sa sarili niya?
"So anong purpose ng resume ko na hawak niyo kung ipapakilala ko din naman pala ang sarili ko? Sigurado ba kayong nakapagtapos kayo? Ba't ang bobo niyo?" Sagot ko.
"Sa tingin mo ba matatanggap ka sa kompanyang 'to with that attitude of yours?!" Tsch.
"Oo naman. Kung ikaw nakapasok dito, for sure tanggap din ako. Baka nga malagpasan ko pa posisyon mo." Ngisi ko.
"Napakabastos!" Napatayo siya sa sobrang inis.
"Oh bakit highblood ka? Diba ikaw nagsimula? Sinakyan ko lang naman trip mo eh. Wag ka kasing mambabastos kung ayaw mong mabastos, oh ayan words of wisdom galing sakin. Tandaan mo yan ha para di malugi kompanya niyo." Tumayo na ako at umalis sa lugar na yun. Kung umasta kasi kala mo maganda, nako.
Pagkatapos ko dun, dumeretcho na ako sa sunod na interview. Pagkapasok ko, bumungad sakin ang mga chicken legs ng mga babaeng employado. Opisina ba 'to o tambayan ng mga pokpok? Aalis na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. "Ms. Umali?"