The Recidivist - 5

157 12 2
                                    

May mga bagay talaga na kahit ayaw mo, kailangan mong gawin. Katulad neto, ayokong mag-trabaho sa kompanyang ito pero kinailangan kong tanggapin. 

"Your dad already signed a contract with us. Nakalagay dun na kapag hindi ka natanggap sa unang dalawa mong interview, sa amin na ang bagsak mo whether you like it or not." 

Inangyan. 

Hindi ko alam kung sino ang mas masarap paslangin. Si Satanas o etong kumag na 'to. Pareho silang nakakairita. Bakit kasi... Gah! 

As I was trying to find inner peace, biglang tumunog ang phone ko. Who the hell is this? 

[Check your email for your schedule. -Light] 

Light? Ilaw? Ha? Tinext ako ng bumbilya? 

[Who you?] Reply ko. 

[Di ka marunong magbasa?] Sagot niya. 

[Alam kong bumbilya ka pero kilala ba kita?] Bwisit. 

[Yung gwapo.] Anak ng butiki. 

[Mapundi ka sana.] 

[Tss. Kausap mo lang ako kanina e.]

Napa-isip ako bigla. Kausap? Kanina? 

Ah. 

[Ah. Okay. Panget naman ng pangalan mo.] Yung kumag pala. Light nga pala pangalan nun. 

[Gwapo naman.] Sumakit ulo ko dun ah. 

[Leche.] Kaya siguro may paparating na bagyo. Dala ng kahanginan niya. 

[Language, Ms. Umali.] Paulanan pa kita ng Mura diyan e, gago. 

[Mamatay ka na.] Saksak mo sa baga mo. 

[I'll discuss office etiquette on your first day.] 

Di ko na siya nireplyan. It-try niyang i-correct ang behavior ko? Ha, good luck with that. Binalik ko sa desk ko yung phone ko at nilagay sa silent para walang istorbo. 

I attempted to find inner peace once more but was cut off by a loud knock. Anak ng butiki naman. Tumayo ako at tinignan kung sino yung kumakatok sa Intercom. "Walang tao, Layas!" Pagpapalayas ko sa impakta sa pintuan ko. 

Nag-pokerface naman ang gaga sabay kumatok ng paulit-ulit sa pinto. "Oo na, Oo na!" Pinindot ko yung button para bumukas yung pinto. Mas lalo akong di makakahanap ng inner peace sa babaeng 'to e.

The RecidivistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon