Padabog akong lumabas ng assembly hall kasama ng iba pang mga estudyanteng umattend. Inabangan ko sa exit si Suzy, kokotongan ko yung babaeng yun pag nakita ko. Di manlang naging back-up. Ano pang purpose ng bunganga niya kung di niya gagamitin?
"Hoy Suzy!" Tawag ko sa kanya nang makita ko siyang lumabas ng auditorium.
"Andyan ka pala bruha ka! Bakit ka gumawa ng eksena? Bwisit ka talaga, nagpapa-cute pa ako kay Light eh!" Nag-pout siya at nagpapadyak sa sahig.
"Light? Sino yun?" Ilaw? Nagpapa-cute siya sa ilaw?
"Yung poging nagt-talk kanina! Asar ka naman eh." Sasabunutan na dapat niya ako pero agad siyang tumigil nang tinaasan ko siya ng kilay. "Aish, tara na nga. Kunin na natin sched natin."
Tahimik akong sumunod kay Suzy papunta ng registrar. Light pala ang pangalan ng krungkrung na yun. Kapangalan niya yung lead character sa death note, yung may saltik sa ulo.
Bagay yung pangalan niya sa kanya.
"Doegopa neoui oppa~ Neoui sarangi nan neomu gopa~"
Sino na naman kaya yung tumatawag? Kinuha ko yung phone ko na nasa bulsa ng jeans ko at sinagot yung tawag. "What?"
("Good morning, Iyana.")
"Bull--" Pinigilan ko ang sarili ko na ituloy yung mura. "What do you want?"
("May dinner mamaya with Yul's family. Be there.")
"Did they tell you to invite me?"
("Tingin mo?")
I sighed. "Of course they didn't. Alright, I'll be there for you."
("See you.")
Pagkababa ko ng tawag, napatingin ako kay Suzy na parang excited na excited na nakatingin sakin. "Si Min ba yung tumawag?" Tanong niya sakin.
Tumango ako. "Yeah, pinapapunta ako ni kuya sa dinner mamaya."
"Sama ako, please!" Alam mo yung nagiging hugis puso na yung mata ng babaeng 'to? Pssh.
But now that I think of it. "Gusto mo?" Mas madali kong masisira ang dinner na yun kapag sinama ko si Suzy. "Pero kailangan mo akong tulungan."
"Tulungan saan?"
Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako pinapapunta ni kuya Min dun sa dinner eh. Para sirain yung engagement nila ni Yul. Hindi niya kasi kayang sirain ang perfect son reputation niya.
"Gusto mo ba maging girlfriend ni Kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Kapag naging kami at nagpakasal kami, magiging sister-in-law na kita tapos may gwapo pa akong asawa. Hitting two birds with one stone."
"Then help me destroy his engagement." Nanlaki ang mata ni Suzy sa narinig niya. Hindi pa kasi niya alam na engaged si Kuya. "Don't worry, arranged itong engagement. Walang feelings si kuya para dun sa babae." I assured her.
"I'll help you, I'll take that bitch down." She answered with a straight face.
Another thing I love about Suzy is that she turns to a bitch kapag may ganitong situations. Sayang nga e, minsan lang niya pinapakita 'tong side niya na 'to.