The Recidivist - 1

453 22 15
                                    

Una at sana panghuli na sa lahat, pinanganak na akong masama ang ugali. Hindi ako yung magically nag-transform from mabait to impakta, kuha niyo? Kaya wag na kayong umasa na babait pa ako dahil masama na ugali ko since birth. Itanong mo pa sa doctor na nagpaanak kay Mommy at sa 56 maids na nagtrabaho samin for the past 19 years. 

Swerte nga ng maid namin ngayon na tinakwil na ako sa condo ng mga magulang ko eh. Paano nalang kaya kung dun parin ako nakatira? Baka unahan pa nilang mamatay yung mga dagang paligoy-ligoy sa mansyon. 

Ako? Magbabago? Asa. 

("Bitch, asan ka na? Kanina ka pa inaantay. First day natin 'to sa college, hell-o?") 

First day, second day. Pare-pareho lang na araw yan. Ano naman kung first day? Ano yun, pakitang-tao sa unang araw kaya dapat magpaka-ideal student? No thanks, ayoko sa lahat ay yung plastik. 

"Mag-intay ka at pwede ba tantanan mo ko sa kaka-bitch mo. Tingin mo cool ka pag yan ang tawag mo sakin? Di bale sana kung ikaw lang yung tinatawag na aso e. May pangalan ako, May nickname pa. Pinapahirapan mo pa buhay mo." Sagot ko sa kanya.

("Oo na, Iyana Umali. Happy? Pumasok ka na, magsisimula na yung Assembly.")

Napa-iling nalang ako sa sobrang pagka-demanding niya. "Fine, Suzaine Ramirez. I'm hanging up. Babangon na ko."

("Hindi ka pa bumabangon?! Nakakaloka, hanggang 3rd year ba naman? Alam m--")

"Ano bang ine-expect mo? Ako? Magbabago? Asa." Pinindot ko na yung end call bago pa siya makapag-sermon. Ang aga-aga pa kaya para bumangon. 9:20 palang kaya. 

Tatayo na nga ako. Tsk. Bakit ba kasi ako biniyayaan ng mapanermon na kaibigan? Okay na sana yung package ni Suzy eh. Mabait, maalaga at mapagkakatiwalaan kaso sa kasamaang palad, walang taong perpekto. Madaldal siya. Mala-armalite ang bunganga. 

Pero okay lang, at least yun lang ang flaw niya. Kesa naman dumagdag pa yung maarte diba. Edi hindi na niya ako natagalan. Jusko, sa sama ba naman ng ugali ko. Katulad nga ng sinabi ko, walang taong perpekto. Maganda ako. Yun lang, period. 

Ano bang ine-expect niyo? Lahat ng maganda, maganda din ugali? Kadiri, di makatotohanan. Gumising nga kayo sa katotohanan. Plastik ang karamihan sa magaganda unless talagang masama ugali nila sa in public, katulad ko, o maarte. 

Sige, sabihin na nating may iilang mabuti ang ugali. Pero saksakan naman ng kakatihan. Tipong walang pinipiling lalaki. Yung mas mababa pa sa talampakan ang standards. Mas nakakasukang flaw naman ata yun. 

Pagkatapos ng morning routine ko, kinuha ko na yung helmet at susi ng baby ko. BMW S1000RR HP4, 18th birthday gift ko sa sarili ko. Sponsored ng credit card ng magulang ko, syempre. Anong halaga ng credit card kung hindi naman gagamitin diba? 

Umangkas na ako and rode out. Buti nalang walang traffic. Ayoko sa traffic, masyadong masigip at madaming gagong motorista na kung makasiksik, wagas. Magasgasan pa baby ko. 

Pagka-dating ko sa campus, pinarada ko sa faculty parking lot yung kotse ko. Mahirap na kapag dun ako sa pang-estudyante nag park, madaming tatanga tanga. Naglakad na ako papunta sa loob ng building pagkatapos kong patayin yung makina. 

"Good Morning, schoolmates!" Pambati ko pagkapasok ko ng auditorium. "Kamusta bakasyon niyo? Hirap ba ng summer jobs niyo?" I know for a fact na mga mahihirap lang ang umattend ngayon sa assembly. Yung mga nagpapakabait para makakuha ng mataas na grado kasi kailangan nilang grumaduate para makakuha ng trabaho. 

"Ms. Umali, wala ka bang balak umupo? Hindi mo ba nakikitang may nagsasalita sa harap?" Sita ng isang prof sakin. Tinignan ko yung nakatayo sa harap, sino naman 'to? 

"Tsch, anong pake ko kung may nagsasalita sa harap? Diyos ba siya para matakot ako? Oh wait, di rin pala ako takot sa Diyos." Self-proclaimed Atheist ako pero di ibig sabihin nun na sumasamba ako kay Satanas. Tanga lang? Atheist nga e, walang pinaniniwalaan na Diyos.

"Aba't--"

"Enough." Pinutol nung lalaki yung sermon ng prof. "Wag niyo na po siyang pagalitan. Halata namang hindi yan makikinig sa kahit anong sasabihin niyo sa kanya. Ganyan ang mga taong kulang sa pansin." 

Jawdrop bro. "Ano? Kulang sa pansin?!" Sigaw ko sa kanya. 

"I'll continue this talk sa susunod na assembly. I'm expecting you'd be there as well, Ms. Umali." Nginisian ako nung lalaki bago siya umalis through the backdoor. 

Isa lang masasabi ko. 

PUN.

YE.

TA.

The RecidivistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon