Revenge of the Heiress

787 9 2
                                    

Prologue

(16 years ago)

"And they live happily ever after..." isinara ni mama ang hawak niyang libro kasabay nang pagkatapos niya sa pagbabasa nito oara makatulog ako. Pero hindi ko magawang makatulog ng mga oras na yun.

"Hindi ka pa ba tulog baby? Tulog na may pasok ka pa bukas." Mom tried to get up from my bed pero pinigilan ko siya. I don't wanna sleep without mommy at my side.

"Tulog kana baby. Sige para makatulog ka ipaghehele na lang kita."

Sinimula ni mama ang paghehele sakin. Para akong idinuduyan noon sa alapaap. Ang makatulog sa tabi niya ang pinakamasarap na pakiramdam na nadama ko sa buong buhay ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang marinig ko ang ilang kalabog at mabilis na pagbukas at pagsara ng pinto. Naalimpungatan ako at nakita ko si mama na humahangos sa may pintuan.

"Mommy?" Pupungas-pungas kong tanong sakanya.

Agad naman siya lumapit at parang gusto kong matakot sa aura ng mukha ni mama. Balisa iyon pero hindi maintindihan ng bata kong isip kung bakit.

"Baby, promise me that you will do anything para makalayo ha dito ha?"

"Mommy?" Marami akong gustong itanong pero yun at yun lang ang salitang nasasambit ko.

"Baby. Promise me, please. Mabuhay ka." And mom starts crying.

But why? Mom carried me at lumabas ng kwarto. Madilim doon at nakaramdam ako ng takot pero hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak ako mula sa pagkakakarga ni mama. Anong nangyayari? Napaano si mama?

"Mama!" Palahaw ko ng iyak.

"Wag! Maawa ka ! Saktan mo na ako wag lang ang anak ko!" Sigaw ni mama. Sa sinabi niyang iyon ay lalo akong nabalot ng takot. Hindi ko na rin maaninag kung sino ang taong nananakot samin ni mama. Asan na ba si papa para ipagtanggol kami?

"Mama. Mama. Mama." Tanging sambit ko.

Pagmulat ng mga mata ko wala na si mama sa tabi ko. Asan na si mama?

"Ma? Mama!" Natataranta kong tawag sakanya pero hindi siya sumasagot.

"Mam---" bigla na lang may kung sinong nagtakip sa bibig ko at kinarga ako pero hindi ako mapalagay, malakas ang kutob kong hindi ito si mama. Patuloy lamang ako sa pag-iyak habang karga-karga ng isang babae.

Sino ba siya? Asaan ang mama ko?

Mula sa loob ng bahay ay lumabas kami. Lalo akong natakot. Saan niya ako dadalhin? Ilalayo niya ba ako sa mga magulang ko? Nasaa--

Natigilan ako sa pag-iyak nang makita ko mula sa malayo si papa. Naliligo sa sarili niyang dugo! Gusto kong sumigaw ng 'papa' pero hindi ko magawa dahil sa pagkakatakip ng bibig ko.

Panay ang pagwawala ko pero parang walang epekto dahil ako lang ang napapagod. Nauubusan ng lakas kakaiyak at kakaasang muling makabalik sa pamilya ko.

'Mabuhay ka' parang narinig kong muling sibnabi ni mama. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak at sobrang pagod kaya hindi ko maaninag kung si mama nga ba ang kaharap ko.

"Mama?" tawag ko sakanya pero lumayo lamang siya. Muli ko siyang tinawag pero tinalikuran niya lang ako. "Hindi ako ang mama mo. wala na siya." sagot ng babae.

"Mama?" hindi ko matanggap ang sinabi niya. Pero nagsimula na siyang maglakad. Pero kahit sinabi niyang hindi siya ang mama ko ay hinabol ko pa din siya, pero patuloy pa din siya sa paglalakad at tuluyan akong iniwan. Tukad ng mga magulang ko.

'Mabuhay ka.' paulit-ulit iyon sa utak ko habang paulit-ulit ko ding sinasambit ang 'mama'

"Mama pangako. Mabubuhay ako para sainyo ni papa."

------------

HEAVEN MEETS HELL BOOK TWO !

[>INFATUATED CHICK

Revenge of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon