Chapter 17

88 1 3
                                    

Peter's POV

Hindi ako makagalaw sa kitatatayuan ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak. Ayokong maniwala sa dalawang bagay. Una ay ang wala na si Aling Wena, na nanay nina Andrew at Camille. Pangalawa ay... ang pagiging mahina ng babaeng minsang minahal ko.

Minsan nga lang ba? Napailing na lang ako sa iniisp ko . Siguro ay nabigla lang ako sa mga nangyayari. Abg Camille na kilala ko ay cold at matapang. Kahit kelan hindi pa siya ngumiti sa akin o naging malambing.

Naramdaman ko ang paghawak ni HAzel sa braso ko. Nalingunan ko siyang namamasa ang kanyang mga mata. Marahil ay naapektuhan din siya sa pagkamatay ni Aling Wena. Magkaibang-magkaiba si Hazel at Camille. Sweet at malambing si Hazel. Laging nakangiti at madaling malaman ang emosyong nakabalot sakanya, hindi tulad ni Camille. Muli ay napatingin ako sakanya. Tulala pa rin siya ay habang nakaupo.

"Camille!"

Biglang may humahangos na lalaking lumapit kay Camille. Medyo nainis ako kasi natabing niya ako kaya muntik na ding matumba si Hazel.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Hazel na nakahawak pa din sa braso ko.

"A-ah. Uhm. Ok lang ako." Sabi niya saka umayos ng tayo.

Napatingin ako dun sa lalaking sumagi sakin. Nagulat ako sa sumunod na eksenang natunghayan ko. Yakap-yakap ni Ranz si Camille habang humahagulgol ng iyak. Parang naninikip ang dibdib ko habang nakikita siyang miserable. Gusto ko siyang patahanin. Gusto ko siyang sabihan na hindi ko siya iiwan... pero shit! Iniwan mo na siya Peter ! Matagal na ! Tapos ngayon maiinis ka dahil may iba nang rumaramay sa kanya?

Naramdaman kong inalis ni Hazel ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Hello ma? Nasa ospital po... Ah no! No! Hindi po ako nakasagasa. Hindi rin po si Peter! Ma let me explain muna po kasi. Stop hallucinating!"

Naglakad ako palayo sakanila. Sa tingin ko ay hindi na nila kami kailangan dito.

"Hey Peter." Huminto ako nang marinig kong tawagin ako ni Hazel.

Siya na mismo ang nagkumbinsi sa akin na huwag ko na daw siyang tawagin na ma'am dahil magkasing edad lang kami.

"Sabi ni mama susunduin na lang daw nila tayo dito. Medyo matatagalan lang sila dahil manggagaling pa sila sa office ni papa. So tara muna sa kanila?"

"Hindi na. Masyado nang mabigat ang aura dun. Labas lang ako."

Sa totoo lang sinusubukan ko lang namang umiwas... umiwas sa mga bagay-bagay na pwedeng ikakumplikado ng lahat.

"Maybe... you're right. Sige samahan na kita. Uhm. Gusto mo nang hot choco?" Tinuro niya ang isang vending machine na nadaanan namin.

"Hindi. Siguro sila kailangan niyan." Ang galing mong mag-isip Peter! Akala ko ba umiiwas ka?

"Tara. Dalhan natin sila?"

"Wag na--" sinubukan kong pigilan si Hazel para hindi na kami bumalik doon pero maihulog niya na ang mga coins sa vending machine at lumabas na ang limang hot choco.

"Kunin mo na yung sayo saka yung isa pa. Ako nang mag-aabot nito dun sa magboyfriend."

Parang nabawasan ang kaba ko sa sinabing iyon ni Hazel. At least makakaiwas ako kay Camille at dun sa taratadong Ranz na iyon.

Pagbalik namin ay wala na kaming naririnig na iyak mula sa magkapatid. Tahimik pa rin sila at tulala. Ang kaibigan kong si Andrew andg nilapitan ko. Matagal na din kaming hindi nagkakausap at nakakapagkamustahan. Hindi ko naman alam na sa ganitong kalagayan pa niya kami muling magkikita.

"Uminom ka muna nang mahimasmasan ka." inabot ko sakanya ang isang hot choco na hawak ko.

"Salamat pre."

"Wala yun." Sabi ko saka ko siya tinapik sa balikat.

Nagawi ang tingin ko kina Ranz at Camille na nasa harapan lang namin. Inakabayan ni Ranz si Camille para humilig ito sa balikat niya. Hindi ko maiwasang mainis at isiping baka sinasadya nilang magpaka-sweet dahil alam nilang nasa harapan lang nila ako. Naramdaman ko ang kamay ni Andrew sa balikat ko, nang tumingin ako sakanya ay parang hinihikayat niya akong sumunod sakanya.

Tumayo na rin ako at sumunod sakanya. Siguro ay ginawa niya iyon para iiwas ako sa gulo. Kilalang-kilala niya talaga ako. Agad naman akong sumunod sakanya kahit pa hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Nasagot ang katanungan kong iyon nang pumasok siya sa isang kwarto kung nasaan ang girlfriend niyang si Annie. Nanatili labg ako sa may pinto at nakadungaw sakanilang dalawa. Agad kong napansin ang umbok sa tiyan ng nobya ni Andrew. Ngayon palang ay parang "one big happy family" na sila. Parang may naramdaman akong masakit sa dibdib ko. Parang....

Parang naiinggit ako.

"Okay ka na ba ha?" narinig kong tanong ni Andrew sa girlfriend niya.

Hinawakan ni Annie ang kamay ni Andrew. Mula sa kinatatayuan ko ay ramdam ko ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Ang tindi rin ng dalawang ito, parang walang problema sa buhay.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang may biglang humawak sa balikat ko. Nalingunan ko si Hazel.

"Tara na. Anjan na sina mama at papa."

Tinanguan ko lang siya saka muling sinulyapan sina Andrew at Annie sa loob ng kwarto. Nang makabalik kami ni Hazel sa kinauupuan nina Camille... at... Ranz, na nasa tabi pa din ni Camille magpahanggang ngayon. Inis!

"Kita mo nga naman kung gaano kaliit ang mundo oh. Naku hija, nakikiramay kami sayo. Magpakatatag ka ha."

Hindi ko maintindihan kung bakit parang matagal nang magkakilala si Ma'am Caramia, nanay ni Hazel, at si Camille. Siguro nagkakilala na sila dati?

"Mia... tara na? Marami pa ata silang aasikasuhin." sabi naman ni Sir Alex na nasa tabi ni Ma'am Caramia.

Hindi nagtagal ay umalis na din kami kabit pa ramdam kong ayaw pang umalis ni Ma'am Caramia. Tahimik na tahimik sa byahe kaya hindi na ako nagtataka kung makatulog agad si Hazel na nasa tabi ko, pareho kaming nasa back ride dahil si Sir Alex na ang nagmaneho para sa amin. Hindi ko maiwasang mahiya dahil ako ang binabayaran nilang driver pero sila ang nagmamaneho ngayon ng sasakyan. Pero iginiit naman ni Sir na Hazel lang naman daw ang dapat kong ipagmaneho at hindi na sila. Hindi ko maiwasang matuwa sa kabaitan nila. Pinilit ko na lang ang sarili kong matulog pero hindi ko magawa, kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

"...parang may galit talaga sa mga mata niya eh..."

Narinig kong may pinag-uusapan ang mag-asawa pero hindi ko maintindihan.

"...wag mong initindihin iyon...."

Sinubukan kong makinig pero may mga salitatalagang malabo. Binalewala ko na lang kung anuman ang pinag-uusapan nila. Hindi dapat ako nakikinig sa usapan nang may usapan.

--------

[>INFATUATED CHICK<]

Revenge of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon