Chapter 22

44 0 0
                                    


Kinalma ko ang sarili ko habang nakaupo sa sofa dito sa condo ni Ranz. Binalikan ko ang mga eksenang ginawa ko kanina at hindi ko mapigilang murahin ang sarili ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kanina. Kahit masakit dapat muna akong makisimpatya sa mga nangyayari. Papalamigin ko muna ang sitwasyon bago sumabak sa panibagong giyera.

"Anong iniisip mo jan?" Umupo si Ranz sa tabi ko.

Umiling lamang ako. Naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko at binaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

"I'm sorry about what I did earlier." sinserong sabi ko sakanya.

"I understand. But please bawas-bawasan mo na ang pagkamainitin ng ulo ha." nararamdaman ako ang mumunti niyang halik sa aking leeg.

"Opo." hindi ko mapigilang mapatawa sa kanyang ginagawa.

"Let's make up." bulong niya sa akin.

"Make up o make out? Haha!" Kumawala na ang malakas na tawa sa aking bibig na kanina ko pa pinipigilan.

Pero agad din naman niya akong hinalikan ng mariin sa labi. Gumapang ang kanyang isang kamay sa loob ng aking damit at isa naman sa aking buhok.

"Pwede din namang pareho." pilyo at nakangisi niyang sabi.

Ilang linggo matapos ang engkwentro naming iyon kay Janet ay naging tahimik muli ang relasyon namin ni Ranz.

"Kainis naman!" Hindi ko mapigilang usal. Kanina pa ako naghihintay ng masasakyang jeep pauwi pero laging puno ang dumadaan.

"Hey!"

Napaigtad ako at napalingon sa lalaking nanggulat sa akin.

"Anong ginagawa dito?" Tanong ko kay Ranz.

"Sinusundo ka. Mabuti pala at naabutan kita dito. Tara na." hinigit niya ang aking kamay at nagtungo sa parking lot.

"Saan naman tayo pupunta? Saka diba mamayang gabi pa ang labas mo sa trabaho?"

Nilingon niya lamang ako saka ngumiti. Binuksan niya ang front seat at inutusan akong sumakay. Agad din naman siyang umikot at sumakay sa driver seat.

"Masyado kasing mahalaga ang araw na ito para sakin."

Napakunot ang noo ko sa sinabo niya. Hindi ko alam kung ano ang mayroon ngayong araw na ito. Hindi naman namin monthsary. Wala din namang may birthday sa aming dalawa.

"Anong meron?" Hindi ko mapigilang tanong sakanya.

Nilingon niya ako saka hinawakan ang aking kamay.

"Sabihin na natin kay mama na magpapakasal na tayo."

Parang may bara sa aking dibdib. Bigla akong ginapangan ng kaba. Matagal ko nang hinanda ang aking sarili oara sa paghaharap naming muli nang nanay ni Ranz, pero iba pa rin pala pagnasa ganito sitwasyon kana.

"Wag kang mag-alala. Hangga't nandito ako sa tabi mo hindi ka masasaktan ni mama." hinaplos niya ang aking pisngi at niyakap ako.

Oo siguro nga mapoprotektahan mo ako laban sa mama ko, sa pisikal na pananakit pero hindi sa emosyon Ranz. Pero kilala ko ang sarili ko, matatag ako.

Hawak-hawak pa din ni Ranz ang aking kamay habang binabagtas ang daan patungo sa bahay ng kanyang mama.

Huminga ako nang malalim nang tumapat na kami sa gate ng kanilang bahay. Calm down Camille ! Calm down ! Wag kang magpakita nang kahit anong ekspresyon and let Ranz handle it.

Pagkababa nang sasakyan ay agad akong inalalayan ni Ranz papasok ng bahay. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Ranz nang maaninag namin ang kanyang mama.

"Ma." Tawag ni Ranz.

Nakangiti pang lumingon samin ang kanyang mama, pero nang makita niya na ako ay agad iyong nabahiran nang pagkairita. Matapang kong sinalubong abng kanyang mga mata.

"Ranz! Anong ginagawa nang babaeng iyan dito?" nanggagalaiting tanong niya sa sa kanyang anak.

"Ma please. We're here to ask for your blessings."

"W-what? Blessings?" Kitang-kita sa mukha niya ang pagkalito.

"Ma we're getting married."

"NO YOU'RE NOT! HINDI MO PAKAKASALAN ANG BABAENG YAN!" Sigaw niya sabay duro sa akin.

"Walang hiya kang babae ka. Anong pinakain mo sa anak ko ha? Ginayuma mo ba siya?" Sinubukan niya akong abutin para sabunutan pero agad pumagitna si Ranz sa amin. Prinotektahan niya ako sa pagtatago niya sa akin sa kanyang likod.

"Ma please stop!"

"Anak naman! Alam mong hindi ko matatanggap ang babaeng iyan! Si Janet ang para sa iyo!"

"You're not the one who will decide kung sino ang papakasalan ko mama. You're not even my real mom para sundin kita so you have no right pa kontrolin ako!"

Nakita ko mismo ang pagkagulat sa mukha nang kanyang mama, I mean madrasta pala. Maging ako ay hindi maiwasang magulat.

"Ranz." may pahid nang pagpapaalala sakanyang huminahon.

Bigla namang umakto ang mama niya na para bang naninikip ang dibdib.

"H-hindi ako makahinga." mabagal at nahihirapang sabi niya.

Pero imbis na daluhan ay hinila lang ako ni Ranz palabas nang kanilang pamamahay.

"Ranz, yung mama mo."

"Hayaan mo siya. Uma-acting lang iyon." sabi niya saka pinaandar ang sasakyan. Parang kumbinsidong-kumbisido na hindi totoo ang nararamdaman nito kanina.

Revenge of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon