Chapter 18

84 2 5
                                    

Ranz's POV

Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Gusto ko sanang tngnan kung sino ang tumatawag pero nagmamaneho ako, papunta kina Camille. Gusto kong makatiyak sa kalagayan niya ngayong burol ng nanay niya. Patuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone ko kaya sinagot ko na iyon nang hindi inaalam kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

(Babe--)

Ugh! Janet again! Ini-end call ko agad ang tawag niya nang marinig ko ang boses niya. I don't wanna hear explanations from her. Alam ko namang sa pakikipagbalikan lang naman mauuwi iyon, tulad nung ginawa niya nung una ko siyang pinakinggan.

Napailing na lang ako sa mga inaasal niya. Kahit pa sabihin kong mag-move on na siya ay hindi pa niya rin ginagawa. What's on me para habulin niya? Lolokohin niya ako at makikipagrelasyon sa iba habang kami pa tapos ngayong wala na kamo hahabul-habulin niya ako? Such a crazy woman.

Ipinark ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nina Camille. Mula sa labas ay nakikita ko nang madaming tao ang nakikiramay sakanila. Nakikiramay nga ba o nakikikain ng libreng tinpay at kape? Ayoko nang magsalita. Hindi ko ininda ang mga tingin sumusunod sakin mula sa mga nagsusugal sa labas ng  ahay nina Camille. Tuloy-tuloy akong pumasok sa bahay nila na nagliliwanag dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa kabaong ni Aling Wena.

Namumukhaan ko ang isang babaeng buntis ata, na nakikipag-usap sa ilang bisita. Asawa ata iyon ng kapatid ni Camille. Speaking of Camille, lumabas siyang may dala-dalang inumin at iniabot iyon sa mga bisita. She looks so haggard. Agad ko siyang nilapitan para naman makapag-break siya sa mga ginagawa niya.

Agad niya sogurong naramdaman ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin.

"Oh! Napadaan ka? Pasok ka muna." agad siyang tumalikod at pumasok sa kanilang kusina.

Hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan ang itsura niya. Simple, magulo ang pagkakatali ng buhok, pawisan... Perfect picture para sa isang maybahay. Hindi niya dapat danasin ito. Hi di dapat siya nasasaktan ng ganito.

"Kain ka muna. Anong gusto mo? Kape? Juice? Gusto mo din ba ng kanin? May ulam pa namn kami dito."

"Camille." Hinawakan ko ang kamay niya para matigil siya sa pagiging aligaga niya.

"...You need rest."

"Hindi ko magagawang makapagpahinga sa mga oras na ito Ranz. Nakikita mo naman, ang daming bisitang kailangan kong asikasuhin."

Pinisil ko ang kamay niya para matigil siya sa pagsasalita. Inakbayan ko siya at pinaupo. We need to talk. Para sakanya sin ito at sa kapatid niya.

"I bought a condo. Gusto ko pagkalibing ng mama niyo ni Andrew doon na kayo tumira."

Nangunot ang noo niya at iiling-iling na lumayo sa akin. Why? Did I do or say something wrong?

"Kung naawa ka lang sa amin ng kapatid ko kaya mo kami binilhan ng matitirhan, kung ginagawa mo ito pampalubagloob sa pagkamatay ng mama namin o ito ang paraan mo para magbigay ng abuloy, pwes hindi ko matatanggap. Ayokong tumnggap ng awa mula sa inyo."

May bahid ng galit ang boses niya. I think she misunderstood what I really what to say.

"...Camille." I've tried to reach out her hand pero iniwas niya iyon.

"Makakaalis kana kung wala ka nang sasabihin." sabi niya habang nakatalikod.

She's really mad. Napasimangot ako. Niyakap ko siya mula sa likuran niya. Kailangan niya lang ng lambing. Sana huwag na siyanv magalit at maintindihan niya na sana ako.

Revenge of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon