Chapter 4

234 3 1
                                    

Ranz's POV

Naestatwa ako habang nakatingin sa bulletin board na kasalukuyang punong-puno nang malalaswang pictures ni Janet habang nakikipaghalikan sa ibang lalaki. Hindi ko mapigilang maikuyom ang palad ko dahil sa galit na nararamdaman ko, una para kay Janet dahil sa pangloloko niyang ito sakin, at pangalawa sa taong gumawa nito. Bakit kailangan niya pang ipangalandakan ang kababuyan at pnglolokong ginawa sakin ni Janet? Put*ngina lang!

"Grabe! Sa library ba yan? Sabi na nga ba at kaladkarin yang babaeng yan eh. Hindi siya dapat naging vice president ng campus. She not a good model for every one."

"Hindi kaya! She is a good example! For being a slut."

Nagtawanan ang isang grupo nang mga babaeng nakatingin din sa mga litratong nakadikit sa bulletin. Gusto ko silang pagsasasapakin kung hindi lang sila babae. Nasasaktan pa din ako sa ginagawa nilang panghuhusga kay Janet. She's still my girlfriend anyway. Walang anu-ano'y pinagtatatanggal ko ang mga pictures at agad namang ikinagulat ng marami. Nagbulung-bulungan sila sa ginawa ko pero wala akong paki. I want this thing to end up. Ayoko nang mapahiya pa si Janet. But it doesn't mean I don't feel cheated anymore.

Hawak ko nang lahat nang litratong nakadikit kanina sa bulletin at sinigurong walang malalaglag doon. Ayoko nang may kumalat pa ang litratong ito. Hindi lang ako sigurado kung may nakakuha na nito sa mga gadgets ng mga tarantadong tsismoso at tsismosa. Mabilis akong naglakad papunta sa classroom ni Janet para kumprontahin siya tungkol dito. Alam kong hindi editted ang mga iyon. Sakto namang nakita ko siyang tumatakbo kasama ang mga kaibigan niya at makikita sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Ranz.." tumigil siya kasama ang mga kaibigan niya sa harapan ko.

Gusto ko siyang sampalin nung mga oras na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong makita ng mga kaibigan niya na nagiging marahas ako kay Janet. Baka maiba pa ang kwento. Hinila ko si Janet palayo sa mga tao. We enter inside an empty classroom at siniguro kong nakalock iyon. I face her will all my authority.

"What is the fucking meaning of these shit?!" Hindi ko na mapigilang ihampas sa pagmumukha niya ang mga pictures niyang nakikipaghalikan sa iba. Hindi ko na kaya ang galit na nararamdaman ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Ranz.." hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at kitang-kita sa mukga niya ang guilt. Lalo akong nanginig sa galit.

Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ayoko nang magpaloko sakanya. Ayoko nang magpaikot sa mga kasinungalingan niya.

"Just fucking explain! Don't you like it?! I'm freaking giving you a chance to explain all the hell of these! Huh?! IPALIWANAG MO SA AKIN KUNG BAKIT MO SA AKIN ITO NAGAWA!" Umalingawngaw sa bawat sulok nang kwartong kinalalagyan namin ngayon ang boses ko. Wala na akong pakialam kung soundproof man o hindi ang kwartong ito. Galit ako. At mas importanteng mailabas ko ito ngayon.

Humikbi naman si Janet at tumulo ang luha niya. Shit lang! Tumalikod ako at napasabunot sa buhok ko. Gusto kong maawa kay Janet at patawarin siya. Pero sa tuwing maalala ko ang mukha niya sa mga litratong iyon... fuck! Damn it! Sinipa ko ang pinakamalapit na upuan sa akin. Doon ko nilabas ang galit ko. Hindi pa ako nakuntento sa isang sinapa lang at pinagsisisipa ang bawat upuang mahagip ko.

"Tama na." Narinig kong humagulgol si Janet pero hindi pa nasasaid ang galit na nararamdaman ko

"Tama na please."

Para akong naestatwa nang maramdaman kong mahigpit siyang yumakap sakin. Umiiyak siya habang nakayakap mula sa likod ko. Napapikit na lang ako sa kalituhang nararamdaman ko. But I have already made my decision.

"Tama ka. Tama na nga itong kabaliwang ito."

Tumigil siya sa pag-iyak at alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Revenge of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon