Chapter 28

36 0 0
                                    


Camille's POV

Hindi maalis ang tingin ko kay Andrew. Magkabilang kamay ang naka takip sa lanyang mukha. Tatlong oras nang nasa loob ng Emergency Room si Annie. Tatlong oras na din siyang naglalabor. Wala pang lumalabas na doktor kaya hindi namin alam ang nangyayari sa loob.

May bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Ranz na may hawak na dalawang cup ng kape.

"Salamat." Inabot ko ang hawak niya at binigyan din ang kapatid ko pero umiling lang siya.

"Sorry sa nangyari kanina. Hindi ko naman ine-expect na ganun ang magiging asal ni Janet." sabi ni Ranz habang nakatingin kay Andrew. Hindi naman umimik ang kapatid ko.

Nararamdaman ko bilang ate na galit siya dahil sa nangyari kay Annie. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang naiipit sa sitwasyong ito.

"Camille." Napatingin ako kay Ranz. "Uuwi muna ako sandali. Magpapalit lang ako nang damit." Agad naman akong napatingin sa damit niyang namantsahan pala nang dugo dahil sa nangyari kay Annie kanina.

"Ah oh sige." agad akong napatayo para ihatid na si Ranz hanggang sa parking lot. "Andrew ihahatid ko lang si Ranz ha. Dito ka lang." sabi ko sakanya kahit wala pa din siyang kibo.

Naglakad na kami papuntang parking lot. Pagkarating namin sa kanyang sasakyan ay hindi muna siya agad sumakay at saka humarap sa akin.

"Salamat nga pala sa agad na pagtulong sa amin kanina. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Mabuti na lang ang maagap ka."

"Dapat lang iyon ano ka ba. Saka wag ka nang mag-alala, kahit hindi ko naman ganoon kakilala ang girlfriend nang kapatid mo naniniwala akong makakaya niya yun. Maging matatag ka. Kailangan ka nang kapatid mo ngayon." Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking balikat.

Ngumiti lamang ako saka umatras para makasakay na siya sa sasakyan niya. Kumaway ako bilang pamamaalam sa kanya bago siya nagdrive paalis nang ospital.

Pagkaalis niya ay bumalik na ako sa loob ng ospital para samahan ang kapatid ko. Pero laking gulat ko nang wala akong madatnan na Andrew sa inuupuan namin kanina.

"Yung batang iyon talaga! Saan na naman nagsuauot yun? Lagi na lang sumasalisi pag-umaalis ako!"

Nilibot ko ang mga pasilidad sa ospital hanggang sa makarating ko sa may simbahan. Lungkot ang bumalot sa akin nang makitang nakaupo sa loob si Andrew. Tahimik ko siyang nilapitan saka umupo sa kanyang tabi.

"Bakit ba nangyayari ito sa atin ate?" tanong niya sa akin. Napansin ko ang pamamaos ng kanyang boses. Nang tumingin ako sakanya ang may nga luhang lumalandas sa kanyang pisngi. Parang gusto ko ring umiyak nang mga sandaling iyon. Hindi ko makayang nakikitang umiiyak ang kapatid ko.

"Una si tatay. Tapos si nanay." saglit siyang tumigil sa pagsasalita ngunit hibayaan ko lang siya. "Ate, hindi ko ata makakaya kubg pati si Annie mawawala sa akin! Ate!" bigla-bigla ay humagulgol na ang aking kapatid saka ako niyakap.

Hindi ko na din mapigilan ang luhang kanina pa ay aking pinipigilan. Napaisip din ako kung bakit nararanasan namin ito, nang kapatid ko. Laban ko naman ito pero bakit kailangan pati siya ay nahihirapan?

Niyakap ko pabalik ang aking kapatid upang iparamdam sakanya nandito lang ako sa tabi niya bilang ate.

"Huwag kang mag-alala. Matatapos din ito Andrew. Huwag kang mawalan nang pag-asa. Magiging matahimik din tayo."

"Kelan pa ate? Baka hindi ko na kayanin bago pa natin nakamit ang katahimikan."

"Husssh! Huwag mong sabihin yan. Kakayanin mo. Kakayanin natin." sabi ko na lang.

Pero sa tanong niyang kelan...

Hindi ko din alam kung kelan matatapos ito. Patawad Andrew.

Revenge of the HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon