BIGLAAN 1: KIM'S SIDE

3.3K 41 23
                                    

Ako nga Pala si Kim Jun Lee isang 3rd year student at nag aaral sa isang state university dito sa lugar namin, di kami mayaman pero nakaka kain pa naman kami ng tatlong beses sa isang araw, mahirap lang kami kaya tanging scholarship ko lang ang inaasahan ko sa pag aaral, di ako ganun katalino pero ma diskarte naman ako. Syempre kailangan, sa hirap ng buhay ngayon dapat marunong ka. Ang Mama ko ay isang labandera may dalawa syang amo at ang isa dun ay isang pari. Dahil sa Paglalaba ni mama ay may pang  allowance ako, tinutulungan ko sya tuwing sabado sa paglalaba kasi yun ang schedule nya sa isang amo nya at wala naman akong pasok, kaya tumutulong na lang ako sa kanya pati  na rin sa gawaing bahay at pag bibinta ng frozen foods na syang sideline ng mama ko. Wala na rin si papa kasi bata pa lang ako ng namatay sya kaya hindi ko na sya nakilala pa. Na comma daw sya eh, yun kasi ang sabi ni mama.

Isa po akong bakla, pero hindi yung tipong feeling babae na nag suuot ng mga bra at panty, mas pinili ko na lang po ang ganito kasi ganito naman talaga ako. Hindi ko.kailangang mag paka babae para mapansin. hehehe. Tanggap naman ni mama na serena ang anak nya, pero kahit ganun di pa rin nya ako kunukonsete na maging babae which i like kase ganun talaga, may balak pa naman akong mag ka anak, mag ka anak lang at wala iba pa! haha. XD

Maniwala kayo at sa hindi ay wala pa talaga akong naging boyfriend since birth, pero txtm8s meron ako. ewan pero naeenjoy ako pag katxt ko sila, pero never pa akong nakipag meet sa kanila, pano kase nahihiya ako eh! hindi sa pangit ako kasi po balingkinitan po akong tao at walang ka laman laman! hahaha, joke lang! basta payat ako yun na yun! 

Sabado ngayon kaya maaga akong ginising ni mama para sa pag punta namin sa amo nya, kailangan pa kasi naming sumakay ng jeep ng dalawang beses para makarating dun, kaya dapat maaga kami.  Nagtimpla lang kami ng kape at nag almusal ng kaunti kasi pag dating namin dun ay kakain kami ulit ng almusal at iinum na naman ng kape! hahaha. ganun kami ka adik ni mama sa kape! syempre nag mana ako sakanya! hehe.

"Tara na anak alis na tayo." 

"opo ma, sunod na po ako."

Kaya kinuha ko na agad ang phone ko, extrang damit at shorts na gagamitin ko mamaya sa paglalaba. hehe, Iba kasi yung suot ko papunta at pag alis dun at iba rin yung pang laba.

Habang Naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep ni mama ay nag  tetext ako habang nag lalakad para lang ma i gm ang mga classmates at mga friends ko, ganun ako pag palaging unli sayang din kasi! hahaha. XD

"GOOD MORNING GUYS! GISING NA AT MAG EXERCISE!!! HAHAHA! MGA TULO LAWAY DYAN! MAHIYA NAMAN KAYO! HAHAHA . :P " 

SENDING...

Yan ang pambulabog na group message ko sa kanila, hahaha. kaya isinaksak ko na ang headset ko,  nag patugtog ng music at  sumakay na kami ni mama ng jeep. mga 8 minutes bumaba kami at sumakay ulit ng jeep. Habang nasa jeep naman ay panay ang vibrate ng phone ko, malamang maramung nagrereply sa txt ko. hahaha. kaya kinuha ko at binasa isa isa.

"Good Morning too!" 

"Good Luck sa Pag laba!"

"aga aga bulabog!"

"Natutulog pa ako. -_- "

"exercise mong muka moh! hahaha"

"coffee here! :)" 

"Good Morning din Love!"

"nahiya naman ako sa hindi tulo laway! haha!" 

Oh see? madami pa yan kaya dinelete ko na lang ang iba! haha. Joke lang, syempre binasa ko sayang din kasi ang effort nila sa pag reply. hahaha, kapal mo Kim! XD Pero teka? bakit my LOVE yung isa? haha, teka sino ba to? oh, si Jairus lang pala, hahaha. txtm8 ko to mga ilang bwan na, 21 na sya, pero di pa kami nag memeet nito, di rin kasi ako interesado kasi busy ako sa school, wala rin akong time makipag meet kasi pag sunday nasa simbahan ang punta ko at nahihiya kaya ako. hahaha. Kaya di ko na lang nereplyan.

BIGLAAN (BxB) [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon