BIGLAAN 3

1.9K 35 15
                                    

 4 AM pa lang at nagising na talaga ako! Ganito! Ganito talaga pag in love ka! Di ba? Whose with me? hahaha. Hayy.. My gosh lang. Talagang pina kilig ako kagabe ni Brian, akalain mo yun? Hinarana muna ako bago matulog? EEEEEE! Grabe lang talaga yung kilig ko kagabi. Hahaha. PROMISE! 

Bumangon na ako lumabas ng kwarto tinungo ang kusina at nag toothbrush. After nun, nag saing na ako. Nag prito ng hotdog tsaka tocino. Si mama kase ay nag tatabi talaga ng frozen foods para samin, Iba rin kase yung binibinta nya sa kinakain namin. Hehe.

Mga 5:30 am na rin ng matapos na ako sa pag prepare ng breakfast namin, Naabutan pa ako ni mama na kakagising lang kasama ang kapatid ko na ginising nya rin. Kaya pinag timpla ko sya ng coffee at gatas naman sa kapatid ko. Kinuha ko yung tuwalya ko tsaka pumasok sa banyo para maligo. Pa kanta kanta pa talaga ako habang naliligo. Ewan ko lang pero ang SAYA ko talaga! hahaha. Pa ulit ulit na lang? hehe. Im sorry naman! i just cant help it! Kinikilig talaga ako! Hahaha.

Nag bihis na agad ako ng uniform pagka tapos kong maligo.  Dahil sa inspired ako ngayong araw na to. I G-Gm ko talaga to ng bonggang bongga! Hahaha. Share Happiness and Spread Love mga kaibigan! hehe.

"RISE AND SHINE SWETTIES! HEHE. GOOD MORNING PO SA LAHAT! LALO NA SAYO! ALAM MO NA KUNG SINO KA. MUAHHH :*

KIM HERE.

INSPIRED."

Yan ang Group message ko para sa lahat. hehe. di ba? hyper na hyper ang Lola nyo? Hehe. Mabuti na yun para mahawa sila sa energy ko. Hahaha. Ganun ako ka influential na tao! Hehe. Tapos sunod sunod na tumunog yung phone ko. 

"Good Morning din!"

"Huwow!? Hindi naman halata na masyado kang inspired ngayon?"

"Good Morning too ards! Ano bang meron?" Ariel.

"Hmmm. Ang aga mo naman?"

"Hello babe! i mis u texts!" jairus.

"Kahit kailan bulabog ka talaga kim!haha"

"Gud Morning too early bird!"

"Best? Gud am. My assignment kana?" Grace.

"Morning! :)"

"Me ganun talaga ha? Gud am!"

"Hi, good morning din baby ko! breakfast done? :)" Brian.

"Coffee here kim!"

"Gud Am too! :)"

Hayysss. Grabe lang talaga ang response nila every time i send a gruop message. Kaloka lang di ba? hahaha. Syempre lahat sila wala ng reply except kay brian ko! hehe. Ang galing lang kase maaga rin pala syang gumising? At kumpleto na ang araw ko dahil sa text nya! hehe. Syempre nag reply agad ako sa kanyah noh, habbang nag liligpi nga ako ng gamit ko para sa school at habang kumakain ay ka text ko  talaga sya! Hahaha.

"Bye ma, alis na po ako. Muah." ako.

"Sige bye din anak, mag ingat ka sa daan ha? eto baon mo."

"Thank you ma." ako.

"Kuya? Sabay na tayo?" Kapatid ko

"Eh di kapa tapos kumain eh? mauna na lang ako sayo"

"Sige."

Umalis na ako sa bahay namin, sayang kase di ko makakasabay ang kapatid ko. Hehe. Pero ok lang naman kase 8 am yung pasok nya eh. Eh yung sakin 7:30 araw araw. Kaya kailangan maging maaga. Nakarating na ako sa sakayan at agad na pumara ng jeep papunta sa school namin. Mabuti at 1 Ride lang tipid ako sa pamasahe, kahit na medyo malayo. Mga 20 minutes din kase yung byahe eh. Hehe. Malayo na yun di ba? hahaha. Hanggang dito sa jip ay magkatext pa rin kami ng boyfriend ko. Hanggang makarating ako sa school, Naputol lang yung conversation namin ng mag start yung class ko. Syempre si Grace na naman ang katabi ko. Wala ngayun si Ariel kase mamayang hapon pa yung Subject na mag classmates kami.

BIGLAAN (BxB) [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon