Mas matanda ka sa akin
Bakit mo ako ginaganito?
Wala akong maintindihan
Hindi ko maiwasang umiyak
Tuwing tapos ka na sa ginagawa mo
Natutuwa ka ba?
Napapaligaya ba kita?
Nabibigyan ba kita ng saya na hindi pa binibigay ng ibang tao sa 'yo?
Ang pagroromansa mo sa akin ay walang pahintulot
Ang mga galaw mo sa aking katawan ay katakot-takot
Nakakapanindig balahibo
Sa tuwing tinatanong kita
"Ano ba ang ginagawa mo?"
Ngunit ang sinasabi mo lamang sa akin ay, "wala ito." at sabay kang ngingiti
Nang mapagtanto ko na mali pala ang iyong ginagawa
Sumigaw ako
Pero bigla mong takpan ang aking bibig
Para walang makarinig
Sa aking mga hinaing
Sa kung ano ang nangyayari sa akin
BINABASA MO ANG
Inker - The Random Poetry
PoetryMy own random poems. Karamihan dito ay nasa isip at nararamdaman ko lamang at isinusulat ko. At ang iba naman dito is through my experiences. :) Please don't steal my work. PLAGIARISM IS A CRIME! ctto to my book cover: artacademy.com.tr