Nakatagong damdamin
                              Sa loob ng aking puso
                              Bawat nakaw tingin ko sa iyo
                              Napakasaya ng aking nararamdaman
                              Ang bawat ngiti't tawa mo
                              Napapangiti ako
                              Tuwing napapadaan ka sa aking harapan
                              Nang hindi ko namamalayan
                              Ang bilis ng tibok ng aking puso
                              Ang mga mata ko'y mas lumilinaw
                              Ang hindi maintindihang nararamdaman
                              Pero ang nangingibabaw ay ang pagsinta sa 'yo
                              Napapaisip ako
                              Napapansin mo kaya ako?
                              Sana'y wala ka pang iniirog
                              At kung meron ka mang iniirog
                              Mapapadalas ang aking pighati
                              Sana'y mapansin mo ako
                              Sana'y ang bawat nakaw tingin ko sayo'y
                              Hindi lagi hangin ang sumasalo
                              At sana'y saluhin mo ang aking inaasam na damdamin
                              Dahil minamahal kita
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Inker - The Random Poetry
PoetryMy own random poems. Karamihan dito ay nasa isip at nararamdaman ko lamang at isinusulat ko. At ang iba naman dito is through my experiences. :) Please don't steal my work. PLAGIARISM IS A CRIME! ctto to my book cover: artacademy.com.tr
 
                                              