Masarap magsinungaling
Dahil sa pagsisinungaling, lagi tayo tumatakas sa mga ginawa nating masama
Tinatago natin ang hindi kanais-nais na ginagawa natin
Pero alam nating masamang magsinungaling
Bakit nga ba tayo nagsisinungaling?
Mas lalo naman bumibigat ang ating damdamin?
Siguro gusto natin tignan tayo ng mga tao na perpekto tayo, walang mga mali sa ating katawan
Gusto natin na mahalin tayo at magustuhan ng mga tao
Pero ganoon din naman
Sa huli, pagkauwi mo sa bahay
Magkulong ka sa iyong kwarto
Iniisip mo na mabigat pala
Hindi mo kayang magsinungaling
Hindi mo kaya kasi mabigat sa loob
Gusto mo 'man umamin, hindi mo magawa
Dahil ayaw mo magpahuli
Ayaw mo sabihin dahil para hindi ka maparusahan
Oo, mabigat sa damdamin ang pagsisinungaling
Pero, anong magagawa mo?
Yun na nga lang ang sandalan mo
Yun na lang yung mahalaga
Para matanggap ka ng mga tao sa paligid mo
Para makatakas ka sa mga ginawa mo
BINABASA MO ANG
Inker - The Random Poetry
PoetryMy own random poems. Karamihan dito ay nasa isip at nararamdaman ko lamang at isinusulat ko. At ang iba naman dito is through my experiences. :) Please don't steal my work. PLAGIARISM IS A CRIME! ctto to my book cover: artacademy.com.tr