Hindi ko alam kung anong kukunin ko
Alam kong walang kwenta ang mga pinagsasabi ko
Pero ikaw ba naranasan mo nang tumahak sa hindi mo gusto?
Ang kursong hindi ko gusto
Ang kursong hindi ko kaya
Ano pa ba't nandito ako?
Ang mga matematikang nakalathala sa whiteboard
Ay nasa aking harapan
Hindi sa sinasabi kong hindi ko gusto ang matematika
Hindi sa sinasabi kong wala akong alam sa matematika
Sadyang hindi ko lang ito kaya
Noong nasabi ko ito sa aking pamilya
Sabi nila'y tama ang nakuha ko
Pero sabi rin nila'y bakit huli ko nang sinabi
Bakit hindi ko pinili ang gusto ko noong una pa
Ano ba ang gagawin ko?
Magulo, magulo ang sitwasyon ngayon
Hindi ko alam kung makakalipat pa ba ako sa gusto ko
Kung pwede pa ba
Hindi ko alam kung papayag ba sila
Alam kong magulo
Alam kong hindi niyo maiintidihan
Alam kong maliit na bagay lang ito
BINABASA MO ANG
Inker - The Random Poetry
PoetryMy own random poems. Karamihan dito ay nasa isip at nararamdaman ko lamang at isinusulat ko. At ang iba naman dito is through my experiences. :) Please don't steal my work. PLAGIARISM IS A CRIME! ctto to my book cover: artacademy.com.tr