Ang pagpasok ko sa bago kong eskwelahan
Naninibago ako
Hindi ako sanay
Bagong klasmeyt, bagong rum
Malamig, apat ang sulok, kulay asul
Pero ang mga bago kong klasmeyt ay animo parang magkakilala na talaga
Dahil sa mga tawanan, hiyawan at ingay nila
Ako naman dito sa unahan
Patingin-tingin lang
Parang nakakayamot
Hindi ko kasi sila kilala
Hindi ako sanay
May nagsabi sa akin,
"Ate, ba't ang tahimik mo?"
Ngumiti lang ako
Siguro nga't tahimik ako
Siguro nga't mahiyain ako
Pero pag nakilala niyo ako
Lalabas ang ugali ko kaagad
Yun ang nasa isip ko
BINABASA MO ANG
Inker - The Random Poetry
PoetryMy own random poems. Karamihan dito ay nasa isip at nararamdaman ko lamang at isinusulat ko. At ang iba naman dito is through my experiences. :) Please don't steal my work. PLAGIARISM IS A CRIME! ctto to my book cover: artacademy.com.tr