Paulit-ulit
Nakakabaliw
Sa tuwing naaalala ko
Ang mga masasakit
Sa pagdapo ng iyong dalawang kamay
Ang pag babanta mo sa akin
Ang mga matatalas na salita
Ang mga nakakapanindig-balahibong salita
Minsa'y napapaisip ako
Ni hindi ko man lang napaglaban
Ang aking sarili
Ni hindi ko man lang pinaglaban
Ang dignidad ko
Parang wala akong alam
Parang akong mangmang
Nang dahil sayo'y naaalala ko na naman
Ang pagdapo mo sa akin
Wala
Wala na siguro akong pag-asa
Kahit pilit kong kalimutan
Hindi na muli mababago
Siguro nga
Hindi na muli mababago
Ang pagkawasak ng aking sarili
Nang dahil sayo'y
Hindi na muli magbabago
BINABASA MO ANG
Inker - The Random Poetry
PoetryMy own random poems. Karamihan dito ay nasa isip at nararamdaman ko lamang at isinusulat ko. At ang iba naman dito is through my experiences. :) Please don't steal my work. PLAGIARISM IS A CRIME! ctto to my book cover: artacademy.com.tr