Mahal, ako'y duwag

11 0 0
                                    

Pasensiya ka na kung sa una'y napakadami kong nagawang mali sa iyo  

Pasensiya ka na kung hindi ako makalimot

Pasensiya ka na kung hindi ako makatulog

Pasensiya ka na kung di kita matiis

Pasensiya ka na kung naguguluhan ako

Pasensiya ka na kung hindi ako maka-abante

Oo't mahal pa kita

Oo't kinakausap pa kita

Naiinis ako sa sarili ko

Bakit kita iniwan?

Bakit kita pinakawalan?

Bakit ang dami kong pagkukulang?

Bakit ang dami kong pagkakamali?

Napakaduwag ko

Alam kong mahirap maka-abante

Pinipilit ko

Pero napakaduwag ko pa din

Naiinis ako sa sarili ko

Dapat pala'y pinahalagahan pa kita

Dapat pala'y hindi kita pinapabayaan

Dapat pala'y nakinig ako sa iyo

Dapat pala'y hindi kita iniwan

Dapat pala'y hindi kita pinakawalan

Naiinis ako sa sarili ko

Mahal pa kita hanggang ngayon

Itong isip ko

Itong puso ko

Lagi kang nakatatak dito hanggang ngayon

Pilit kong kinakalimutan ka

Pilit kong maging abala

Pero lagi kang nakasingit tuwing abala ako

Itong isip ko

Itong puso ko

Pilit kong itinatago ang panghihinayang at inis ko

Pilit kong itinatago ang mga kalungkutan ko

Sana'y hindi ka na lang nawala sa tabi ko

Sana'y hindi na lang siguro kita nakilala

Dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita

Inker - The Random PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon