Chapter One

423 19 16
                                    

Kabanata 1

"Kuya!" Sigaw ko mula sa kwarto ko,nasa third floor kasi ako.

Agad akong nakarinig ng mga mabibigat na padyak paakyat. Galing siguro sa baba si kuya.

"What? Tsk. Umagang umaga ang ingay mo."

Bumungad sakin ang kuya kong magulo ang buhok,mapupungay ang mga mata. Kahit naka plain shirt lang siya,bakat na bakat dito yung malaki niyang mga braso. Teka,ano bang pinagsasabi ko?!

Sinimangutan ko agad siya nang makitang nakatayo sa doorstep ng kwarto ko.

"Nasan si Azee?! Kanina pa ako naghahanap dito! I saw you last night playing with him."

Azee is my bunny stuff toy.

Agad naman siyang lumapit at nakita ko kung pano kumunot yung makinis niyang noo. Omg I sound like a pervert. Tinignan ko lang siya habang makarating siya sa harapan ko.

"What the hell do I have to do with that stupid-looking bunny of yours?" Bumaba ang level ng mukha niya dahil sa pagyuko para mapantayan niya ako. Pucha!

Umatras ako ng kaunti pero dama kong naramdaman niya eh. He smirked at me habang lumalapit nanaman siya,naramdaman ko yung pagtapal ng likod ko sa may drawer ko.

He locked me inside his arms. Magkabilang kamay niya ay nasa magkabilang braso ko. Naamoy ko agad yung pabango niya,very manly. Yung adams apple niya na sobrang litaw na litaw,na sa bawat lunok biya ay makikita mo ang pagbaba nito kaya pati ikaw mapapalunok na rin. Fuck.

The strands of his hair looks so soft,I want to touch them. Ugh how can be a guy like him look so good,hot and adorable at the same freaking time?!

Natigilan ako nung lumayo siya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, he shoved Azee infront of my face.

Hinablot ko naman agad yun, "Hmp! Dun ka na nga! Akala ko kasi kinuha mo!"

Padabog akong pumunta sa kama ko at inayos yung maleta ko. Aalis kasi kami ngayon,family vacation sa Ilocos Norte. Mayor kasi yung dad namin doon,so walang pinapalipas na oras.

Narinig ko siyang tumawa pero huminto din agad yun, "Hurry up. We'll leave at seven." At pagkatapos nun tinalikuran na niya ako at tuluyang umalis sa kwarto.

Maayos naman na yung mga gamit ko so I decided to open my Social Media account. Pagkabukas ko pa lang tumambad na sakin yung sandamakmak na friend requests at follow requests.

I'm a proud daughter of a Mayor,what do you expect? Hindi naman sa nagmamayabang ako,but that's the truth.

Napalundag ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan.

"Ma'am Macee,bumaba na daw po kayo sabi ni Sir. Nakahanda na po yung dinner,tapos aalis na daw po kayo."

Nakayuko si manang habang nagsasalita. Ako ba kausap niya o yung basahan?

"Sige po pababa na po ako. Sala-- nevermind."

That's what my mom taught me,never thank those people who are below you. Mababait naman katulong namin pero hindi alam kung bakit ang lakas ng galit ni mom sakanila.

"Mace." Yan ang nickname sakin ni kuya. Siya lang tumatawag sakin niyan,kabanas.

Binitawan ko ang kutsara't tinidor at tinignan ko siya.

"Tsk. Bilisan mo,malalate tayo." Pag katapos nun ay umalis na siya.

Hay nako! Kung hindi ko lang kuya ito baka sinapak ko na ng husto! Nakaka badtrip lang!

***

Buong byahe tahimik ako. Jusko naman kasi,paalis na nga kami ni kuya kanina,mag aaway pa kami dahil sa letcheng life-sized bear ko! Eh kasyang kasya naman yun sa Everest niya! Halos 10 hours kasi byahe papunta sa Ilocos.

Narinig ko ang pag tikhim niya ng hangin kaya agad akong umayos ng upo at tumingin sa bintana para umiwas sa kung ano mang sasabihin niya.

"What's the big deal with that bear? You have Azee. Makuntento ka na." Sabi niya na wala man lang ni isang bahid ng galit. Napaka gentle ng pagsasalita ni kuya.

Sumimangot ako. Childish na kung childish! Eh gusto ko yung bear ko.

"W-wala akong yayakapin sa pag tulog ko kuya." Sagot ko.

Laging nasa higaan ko yung bear na yun. Ni minsan hindi ko siya iniangat para tanggalin dun. Kaya pakiramdam ko,lagi akong may kasama.

"Hug me instead." He murmured.

Masasamid na sana ako ng tubig kasi hindi naman ako umiinom. Gosh! Alam kong mabait at clingy si kuya pag dating sakin pero hindi ko maiwasang..alam mo yun? Kiligin.

Hindi na ako nagsalita,kasi baka kung saan na mapunta yung usapan. Ayoko nun

***

"Mace." Nagising ako sa pag tawag niya sa pangalan ko. Huh? Bakit kami huminto?

"Kuya bakit huminto? Nasan na tayo?" Kiniskis ko yung mga mata ko at humikab.

"Stop over,sa La Union. Tara na." Binuksan na ni kuya yung pintuan at umalis,ganun din ako.

"La Union?! Ang bilis naman! Parang kanina lang nakapikit pako nasa bahay palang tayo ah." Gulat na gulat kong sinabi. Grabe! Ilan kaya takbo ni kuya? Buti hindi kami nabangga! Hahaha

"I'm Acer,what do you expect?" Ngisi niya at nagpatuloy mag lakad.

Nagkabit balikat ako at sinundan siya. Umorder kami ng pagkain at noodles para uminit yung sikmura. Nang maka upo na kami,nag ikot yung mata ko at nilibot nito yung buong lugar. Ang tahimik,madaling araw kasi pero may mga ibang tao rin na nagkalat kasi dito madalas mag stop over yung mga bus na bumabyahe sa probinsiya.

Nahagip ko agad ng mata ko si Kuya sa counter. Kitang kita ko kung pano mamula yung pisngi yung mukha nung cashier. Tss akala mo talaga may ibubuga ano? Tinignan ko yung mukha ni kuya,bored at parang pagod yung mga mata niya. He's not even interested with them! Haha

Don't get me wrong,wala akong crush sa Kuya ko ah? Kuya ko lang siya,period. Kaso ayaw ko lang kasi yung mga ganung babae na halos tanggalin panty para lang mapansin ni Kuya. Ew

"Oh,kainin mo yan para naman magkaroon ng laman sikmura mo." Inilapag ni kuya yung Beef flavored cup noodles.

"My favorite omg." Agad kong sinubo yung isang tinidor na puno ng noodles.

Wrong move.

"Ouch! Shit! Ugh!" Iniluwa ko agad yung noodle. Huhuhu di ko naman alam na ganun kainit!

"Fuck,stay put." Agad umalis si kuya pero bumalik din siya. Inabutan niya ako ng popsicle.

"Whah?" I tried not to let my tounge touch my teeth. Kaya naka awang lang yung bunganga ko.

Umiling si Kuya at narinig kong pabulong na nagmura. Binuksan niya yung popsicle at isinubo sa bunganga ko.

"Uhmmm" Napa ungol ako sa sarap. Parang nawala agad yung pagkapaso ng dila ko.

Nakita kong lumaki yung mata ni Kuya at nag iwas siya ng tingin. Wait,namumula yung tenga niya? What the hell?

"Let's go. B-baka mapaso ka nanaman." Aya niya habang nakapamulsa.

I was stunned but I followed him anyways.

Nauutal siya? Was he embarrassed?

His Game Of CardsWhere stories live. Discover now