Chapter Six

218 8 2
                                    

Kabanata 6

Nasa dining room kaming lahat ngayon. Kasama rin pati mga pinsan ko sa long table. Mom and Dad went to their usual seats. Nasa right side ni Daddy si Mom at Acer. Tapos nasa left ako at katabi ko si Brent.

Kumakain kaming lahat ng dinner. Ni isa saming magpipinsan walang gusto umimik kaya sinimulan ito ni Mom.

"Ahh~ Hindi ba ikaw yung anak ni Cecil at Hans?"

Tumigil sa pagkain si Brent at tinignang naka ngiti si Mom, "Opo Ma'am."

"Naku,quit being too formal hijo. Call me tita,tutal kaibigan ko rin naman itong si Cecil."

Tumango lang si Brent at tinuloy ang pagkain. Samantalang nahagip ng mga mata ko si Kuya na halos durugin yung steak na nasa plato niya. He's pissed.

"So,when did you two meet?"

Nagulat ako nang magtanong si Dad. Akala ko pa naman wala siyang pake sa mga ganitong bagay?!

"Ano ka ba Chris! Magkababata yang dalawang yan." Tawa ni Mom.

Yung tawa niya lang talagay yung nag echo sa buong room. Tinignan ko ang mga pinsan ko sa bandang dulo,halos parang namatayan sila dahil sa mga ekspresyon ng mukha nila.

Nakita ko ang pagbubulungan ni Kuya Acer at Owen. Magkatabi sila,eh halos maging kambal tuko sila dahil sa ka close-an.

Biglang tumunog yung phone ni Dad na nakabasag sa katahimikan naming lahat.

"Sorry, I have to take this."

Pagkaalis ni Dad,nakita ko ang bahid ng disappointment sa mukha ni Mom.

"So,kamusta naman si Cecil?"

"Ayos lang po,they are actually leaving the town for business."

Sa bawat pag ngiti ni Brent,kitang kita ko kung pano umiirap si Kuya.

Habang nagkwekwentuhan si Mom at Brent,nakita ko ang pagwagayway sakin ni Desiree. She mouthed some words at me,pero di ki maintindihan. Kaya inirapan niya rin ako.

"Tita, I would just like to ask permission."

Eto na.. shit wag please.

"Sure hijo,ano yun?"

He looked at me, "Can I take Macee for a date tomorrow?"

Nakarinig ako ng pagbagsak ng mga utensils sa lamesa. Syempre mga pinsan ko,sino pa nga ba?

Hindi ako makapagsalita kaya tumingin lang ako kay Mom.

Kinakabahan talaga ako sa mga ganitong pangyayari. Unang beses ito sa buong buhay ko! Unang beses na kay Mom at Dad mismo sila mag paalam.

Kasi sa school namin, alot have tried to ask me out. Pero kinabukasan makikita ko nalang sila na umiiwas sakin at hindi maka tingin. Like what the hell? You asked for my hand and you can't even look at me?

Pero yung bestfriend kong bakla yung nagsabi sakin kung ano ang dahilan ng paglayo nila.

"Girl seryoso hindi mo alam kung bakit?"

"Drei,magtatanong ba ako kung alam ko? Jusko spill!"

"Si Fafa Acer kasi eh. Alam mo bang sinuntok niya yung pumoporma sa'yo kahapon? Tapos si Aldrine bubugbugin niya daw dapat, kaso sumuko agad si Aldrine na hindi ka na daw papansinin."

Sobrang dami kong nalaman dahil kay Drei noon.

"Girl pagsabihan mo yang kuya mo! Kung hindi,nakoooo tatanda kang dalaga niyan. Baka maunahan pa kitang mag asawa."

His Game Of CardsWhere stories live. Discover now