Kabanata 4
Today is our third day here in Solsona. Tatlong araw matapos yung eskandalo sa bayan. Balita ko nga pinagalitan yung mga boys eh. Kung saan saan daw kasi kami pumupunta.
Nagkaroon din ng sagutan sa bahay noon,pero hindi rin nagtagal kasi ayaw ni Dad yung may nag aaway,kasi kadarating lang daw namin tapos ganun.
Wala man lang magawa dito sa bahay,puro twitter at sns account ko lang inaatupag ko. Si Acer kasi umalis,ni hindi ko alam kung saan pumunta.
Naglakad ako at nilibot ang buong kwarto ko. Oo,may sarili na akong kwarto kasi nagreklamo ako kay Mommy na bakit si kuya meron tapos ako wala.
Palabas na sana ako nang kwarto nang matisod ako.
"Pambihira naman oh!" Pagmamaktol ko.
Nakita ko agad yung photobook na sanhi nang pagka talisod ko. Kinuha ko naman yun at umupo sa sofa ko.
Pagkabukas ko nakita ko ang mga lumang litrato naming magpipinsan kaya natawa agad ako.
May isa pa ngang picture na,naka hawak ng pampers si Alexis tapos parang hinahabol niya si Owen para ibigay sakanya ito,at kitang kita rin ang pag tawa ni Josh sa gilid.
Sa kabilang picture naman ay yung tatlong magkakapatid na sina Jared,Justine at Juslex. Only girl si Justine sakanilang tatlo. Minsan tinatawag ko siyang ate to remind her that she's a girl. Kasi minsan nagpapakaboyish to eh.
Sa sumunod naman ay yung picture namin nina Lincoln,at Acer. Naglalaro kami dito ng basketball. Kaya siguro naging Varsity yang si Lincoln. Binuhat pa nga ako ni Acer para mashoot ko lang yung bola sa ring eh.
Di ko naiwasang mapangiti dahil sa mga memories na nagflashback sa utak ko.
Sa sumunod na picture ay naroon ang Tres Marias namin. Sina Rooleign,Jea at Desiree. Grabe yang tatlong yan,laging magkasundo tapos tawa ng tawa. Si Des ang pinaka bata pero nakakasabay siya sa mga topic namin kaya hindi siya mahirap kausap.Ang saya nilang kasama kasi hindi sila nauubusan ng kwento.
Then, Ohmygosh! Sina Winter at Whizler ito ah! They are identical twins at kahit anong gawin ng ibang tao,hindi nila malaman kung ano ang pinagkaibahan ng dalawa. Ako lang at yung kapatid nila na si Sandra daw yung nakakaalam kung sino si Whizler or Winter.
Sobrang close ko yang kambal na yan kaya excited talaga ako sa pagdating nila next week from States!
Ang sumunod na picture ay group picture naming lahat pero nagkakagulo kami dito kasi si Haydee (Kapatid ni Owen) ay sinabunutan yung batang dumaan sa gitna ng picture namin. Grabe talaga yang si Haydee.
Nasa Baguio daw siya ngayon pero hindi ko alam kung pupunta siya dito or what.
Pagka flip ko sa next page,bumungad sakin ang picture ni Acer at Sandra. Magkasama silang dalawa sa gilid ng beach,pareho silang nakangiti at naglalaro ng sand castle.
Ibang iba yung ngiti ni Acer dito. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang saya niya habang naka tingin kay Sandra. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. I shouldn't feel this way.
Isinara ko agad yung photobook,wala na akong balak pang ituloy ang pagtingin ng mga litrato doon. Humugot ako ng hininga bago ako tumayo at tuluyang bumaba.
"Good Morning ma'am." Bati sakin ng isnag katulong.
"Nasan si Mommy?"
Tumigil siya sa pag lilinis at tumingin sa paanan ko. Para bang hindi niya ako kayang tignan sa mukha.
"A-ah. Pumunta po sa Munisipyo. K-kasama po ni Sir." Sagot niya
Sinong Sir? Si Dad or Kuya?
Hindi ko na sinagot yung katulong at tuluyang lumabas na sa bahay. Kung bakit kasi may gate pa eh! Ayos na sana yung bahay na pagkalabas ko ng main door,nasa kalsada na agad ako.

YOU ARE READING
His Game Of Cards
RomanceHanda ka bang sumugal para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin lahat para sakanya? Handa ka bang ibigay lahat kahit walang matira sayo? Handa ka ba? Kaya mo ba siyang mahalin kahit ipinagbabawal?