Kabanata 3
Nagising ako nang mga 4:50 ng hapon. Pagkadilat ko wala na si kuya sa tabi ko. Shet hapon na! Ang tagal ko namang natulog! I took the opportunity to take a shower and do everything.
Pagkatapos nun ay sinuot ko yung White Button-Up Shirt at Denim Shorts ko. I let my shoulder-level hair flow like how the way I like it. Hinablot ko rin yung Slouchy Sun Hat ko kasi mejo mainit sa labas hindi naman gaano pero ayokong magka kuto.
Habang pababa ako sa salas nakarinig ako ng iba ibang boses sa baba. Ang dami yatang tao ah?
"Fuck Owen! Saan mo nanaman nilagay yung susi ng sasakyan ko?!"
"HAHAHA! Talo sila Lincoln sa Basketball! Weak ka pa pre. Akala ko ba Varsity ka?Babae ka ata eh."
"Fuck off Alexis!!"
"Guys let's chill at my bar later?"
"Ate Justine,anong trip nanaman yan?"
"Oh come on! Wag nang kj plea--"
"Sandra wag mo ngang ubusin yang cookies! Di pa nga natikman ni Aceng eh!"
"Will you stop calling me that?"
Natigilan silang lahat nang makita nila ako sa hagdan. Yung mga lalake ay napanganga. Tahimik ang lahat hanggang sa nakababa ako. Kung hindi lang dumating si Yaya Lucil baka magdamag kaming nagkatinginan ng mga pinsan ko.
"Macee! Shit namiss kita!" Tumakbo ang isa sakanila at niyakap ako ng mahigpit. Halos matanggal nga yung hat ko sa pagkakayakap eh. Naipit ako sa malalaking braso ni Owen. Ugh
"Gayshit Owen." Sabat ni Joshua na naka prente ang pag upo sa solo sofa namin. Hala kumpleto yata kami ngayon ah!
"H-huy Owen di ako makahinga.."
Kumalas si Owen sa pagkakayakap pero dumagdag naman silang LAHAT.
"Welcome Back Macee~!" Sigaw nila. Yung mga babae nagtilian tapos sila Kuya naman nagtatawanan lang.
"Hoy kakarating lang nila,balak niyo na agad pisain? Pwede namang bukas eh." Tawa ni Jea.
"Oh,kilala mo pa ba kami? Halos ilang taon ka nang di bumisita dito. Namiss ka ni Badong! HAHAHAHA!" Humagalpak silang lahat sa tawa habang ako namumula na sa kahihiyan.
Si Badong kasi yung nagkakagusto sakin pero I dumped him. Gosh ang baho ng pangalan ano? Pero grabe makalaglag panty,panga,bra,swimsuit ang hitsura nun!
Nag apiran pa sina Juslex at Jared. Tsk! Magkapatid nga naman oh.
Nang natauhan sila,inayos nila yung mga sofa sa sala at ginawang pabilog para daw magharapharap kami. Tapos nakalagay naman sa gitna yung isang pitsel na juice at dalawang box ng biscuits.
Ang magkakapatid,magkakatabi.
Sa unang sofa ay kami ni Kuya Acer. Sa kanan ko naman ay si Jared,Ate Justine,at Juslex. Tapos sa pangatlo sina, Alexis at Desiree. Si Lincoln at Rooleign ay magkatabi sa kaliwang bahagi ni Kuya Acer. Si Jea at Joshua ay naghiwalay,nasa sahig si Jea at nakasandal sakin tapos si Josh naman nasa armchair ng sofa. Tapos nasa solo stool si Owen kasi wala pa yung ate niyang si ate Haydee.
Magpipinsan kami. Di pa damay jan yung mga taga ibang probinsiya!
"Where's Sandra?" Tanong ni Acer. Tiningala ko siya pero ang layo ng tingin niya.
"Ahh nasa states,kasama sila Whiz at Win. Uwi daw sila next week." Sagot ni Alexis na ngayon ay ngumunguya ng biscuit.
Tumango lang si Acer. At nasundan nanaman ito ng katahimikan.

YOU ARE READING
His Game Of Cards
RomanceHanda ka bang sumugal para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin lahat para sakanya? Handa ka bang ibigay lahat kahit walang matira sayo? Handa ka ba? Kaya mo ba siyang mahalin kahit ipinagbabawal?