Kabanata 7Ang aga ko yatang nagising ngayon ah. It's only 6:00 in the morning,pero halos buong bahay ay gising na. Ito ang isa sa mga ayaw at gusto ko sa Ilocos eh. Yung puyat ka sa gabi tapos sobrang aga magising ng mga tao dito,pero ang advantage ay mas marami akong nagagawa pag maaga magising.
Oh diba san ka pa? Nakaligo na ako,nakapalit na ng damit. Naayos ko na rin yung magulo kong luggage. That's the perks of waking up early. Pero kung nasa Manila ako,I bet nasa climax palang ako ng panaginip ko.
Habang nagmumuni muni ako dahil kagigising ko lang,hindi ko maiwasang mapangiti tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi samin ni Acer.
Hoy excuse you! We did not do 'it' okay? Wag green minded.
Kinikilig ako tuwing sumasagi sa isipan ko na ginawa namin ni Kuya yung isa sa mga main goals ko sa buhay. Yun ay manood ng stars kasama yung mahal ko sa buhay.
Natigilan ako sa naisip ko, mahal ko sa buhay. Wala namang malisya yun diba? Kuya ko siya,bunso niya ako. We love each other as siblings, nothing more nothing less.
Napatalon naman ako nang makarinig ng malakas na pagkatok sa pintuan. Naglakad ako at binuksan agad yun.
"Macee!!!!"
Nagulat ako nang biglang may mabigat na yumakap at nagpakarga sakin. Buti nalang di ako na out of balance.
"Hydee?-- omg! Ikaw nga! Hala! Kailan ka dumating?!"
Umalingawngaw ang tilian namin sa loob ng silid ko. Tuwang tuwa ako sa pag dating ni Haydee Maldita!
Bumaba siya mula sa yakap ko at inayos niya ang damit at ang poise niya. Itinaas niya yung kamay niya para umabot hanggang sa siko niya yung shoulder bag niya. Tinaasan niya ako ng kilay at lumabas ang munting ngiti sa mga labi niya.
Ito yung namiss ko eh,yung mataray na babae pero hindi naman talaga. Hindi ko alam kung kailan nag start maging ganyan si Haydee. Pero syempre lahat naman tayo ay may rason sa mga bagay bagay na ginagawa natin.
"What the heck are you waiting for?! Tara na! May pupuntahan tayo!"
Ngayon ko lang ulit nakitang maexcite ng ganito si Hydee. Ang lapad ng ngiti niya parang bata lang na nabigyan ng libreng candy.
Ngumiti ako at akmang magsasalita na kaso naalala kong may date pala kami ni Brent ngayon. Napakamot ako sa siko ko,I do that everytime I'm worried or something.
"K-kaso.. may date kasi ak--"
"Date?! Kanino?!--nevermind. Just dump him and tell him you're not feeling well."
I saw her roll her eyes. Pero ayaw kong magsinungaling kay Brent. Kawawa naman yung tao,ni hindi man lang mapagbigyan diba? Pero wala akong gusto sakanya,I just want to be in good terms with him.
"I don't do white lies Haydee." Bulong ko.
Ayaw kong tumanggi sa offer ni Brent,pero gusto kong makasama yung pinsan ko. Wait,why not just let him come with us?
"Isama mo nalang siya then. Alangan namang kaming mga pinsan mo ang sumama sa date niyo? That's very chaotic."
Pareho pala kami ng iniisip eh! Napangiti ako nang malamang sang ayon siya sakin.
"So? Let's go. Nasa baba na sila Josh."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko at kinuha yung purse at shoulder bag niya. She's very vain. Kung hindi black ang suot niya,red or any dark color.
"Bakit si Josh? Nasan si Owen? Diba dapat siya ang sumundo sa'yo?"
Sinundan ko siya at sinara yung kwarto ko.

VOUS LISEZ
His Game Of Cards
Roman d'amourHanda ka bang sumugal para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin lahat para sakanya? Handa ka bang ibigay lahat kahit walang matira sayo? Handa ka ba? Kaya mo ba siyang mahalin kahit ipinagbabawal?