Chapter Two

283 16 3
                                    


Kabanata 2


"Opo malapit na kami. --yes yes. --I love you too. --Bye."

Narinig kong may kausap si Kuya kaya napaupo agad ako.

Sino kaya yun? Nag I love you too pa! Kaloka,may girlfriend na ba siya? Bakit di pa niya sinasabi sakin?

"It was mom." Tipid niyang salita habang tumutok ulit sa pag mamaneho.

Hala! Narinig niya yung iniisip ko?!

"You're too way easy to read Princess Macee Montenegro."  Tawa niya

There he goes. Teasing me while using my whole name huh?

"Well. Sir Acer Brandon Montenegro,kasalanan ko bang ang ingay mo at nagising mo ako."  Wala akong maisip na sabihin kaya ayan yung nasabi ko. Tanga mo Macee!

He frowned, "Anong konek?"

Patuloy parin siya sa pagmamaneho,wait was he awake the whole night?! Ohmygod.

"Wala. Parang lovelife mo,wala!" Humagalpak ako kakatawa. Grabe yung mukha ni kuya ang priceless!

Natigilan ako nang biglang pumreno yung sasakyan. Kung wala akong seatbelt kanina pa nauntog ulo ko. Tumahimik ako at kinabahan agad. Pakiramdam ko huminto lahat ng nasa paligid. Shit,bakit ganito? Ito na nga ba ang kinakatakot ko eh.

Nakita ko kung pano nanginginig ang mga legs ko. Hindi naman kami nabangga,nagpreno lang si kuya pero sobra yung takot na naramdaman ko. Sumiksik ako sa upuan lumalakas pag pintig ng puso ko. Shit

"Tsk! The street light is on red. You douchebag!" Sigaw ni kuya sa labas.

Tatawid na sana kasi kami kaso biglang may sasakyan na sumulpot kaya napa hinto kami nang wala sa oras.

"Hey,are you okay?" Rinig ko ang bakas ng pag aalala sa boses niya. Ayoko nun

Tumango ako at naramdaman ko ang pag dampi ng kamay niya sa noo ko. That simple gesture.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Solsona. Yan ang bayan na kung saan ay nadestino si Papa. Yung pinaka sulok na bayan sa Ilocos Norte. Pero maunlad ito syempre si Papa yan eh.

Bumungad samin ang naghilerang mga Pine Trees. Ang ganda tignan,na sa magkabilang gilid ng daan ay may pine tree. Kitang kita ko rin yung bundok na kulay berde dahil sa dami ng puno roon. Yung bukid na malago at lahat nang halaman ay sumasabay sa ihip ng hangin. Yung mga bahay,na simple lang pero malalaki ito.

Hello Ilocos~

Ilang minuto pa ay nakadating din kami agad sa bayan. Centro,kung ito ay tawagin. Narito kasi yung Mall at Palengke. Sa pinaka gitna ay nakatayo ang Park na nasa harapan ng Town Hall,jan nagtratrabaho sila Papa.

"Ang dami na daw pasyalan dito. We should call Brent." Paninimula ni Kuya.

"Sinong Brent?" Lingon ko sakanya. Bumuntong hininga siya at tumahimik.

"Brent Solivan."

Huh? Familiar. Tumango lang ako. Naramdamab ko ang pagliko ng sasakyan,shet eto na! Bahay na namin!

Agad kong binaba yung bintana at sumigaw

"Ma!!!" I screamed on the top of my lungs.

Nakita kong abala yung mga katulong sa pag dating namin ni Kuya. Ngumiti ako ng sobrang laki halos mapunit labi ko.

"Saya mo ata." He smirked

Tumingin ako sakanya habang pinapark ang kotse sa may garahe. Hindi ko siya inimikan at tuluyan akong lumabas at tumakbo kay Mommy na nagaabang sa double door.

His Game Of CardsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt