First time ko mag create ng story dito. Lahat po ito ay part lang imagination ko. Hope you like it!
Sa buhay pag-ibig sinasabing may kanya-kanyang tadhana ang bawat isa, kanya-kanyang nakatakda at kanya-kanyang kapalaran. Meron din Kanya-kanyang dahilan kung bakit sila nagmamahal, kung bakit sila masaya. Meron ding kanya-kanyang karapatan kung sino ang dapat piliin at mahalin habang buhay.
Subalit kung lahat tayo ay may kanya-kanya, ano ang dahilan sa pinaka malaking tanong sa istoryang ito na: BAKIT HANGGANG NGAYON AY SINGLE KA PA?
Ayon sa author ng kwentong ito, Ang mga maaaring dahilan sa tanong na yan ay ang mga sumusunod:
1. Pihikan o choosy ka.
Pwedeng mahilig ka sa gwapo o maganda, sa sexy, mayaman at matalino. Pero ni isa sa mga taong nagkakagusto sayo ay di umaabot sa standard mo.
2. Man hater o Woman hater ka.
Yong tipong di ka makaalis sa masaklap na nakaraan ng pag-ibig mo. Nananatili ang galit at poot sa puso mo dahilan kung bakit lahat ng lalake o babae na nagsasabing mahal ka ay kinagagalitan mo.
3. Busy ka.
Wala ka pang panahon para sa love life dahil sa kabusyhan mo sa buhay at pag abot ng mga pangarap mo.
4. Torpe ka. (for boys)
Di mo magawang manligaw dahil sa twing magtatapat ka sa kanya ay dinadaga ka. Mas pinipili mo na lang mahalin sya ng palihim.
5. Manhid ka.
For girls:
Iniisip mo na liligawan ka ng lalakeng crush na crush mo.
Over confident ka na gusto ka nya. At isang araw liligawan ka nya at sasagutin mo sya. Kahit ang totoo ay kaibigan lang ang turing nya sayo at ikaw lang nagbibigay ng malisya.
6. Naghihintay ka.
Nag-iintay ka dahil nabubuhay ka pa rin sa nakaraan. Iniintay mo pa rin sya kahit 10 years mo na syang di nakita dahil naniniwala ka sa kasabihang First Love Never Die.
Kahit ano pa ang tamang dahilan kung bakit single ka pa tingnan natin ang kwento ni Jade at ano ang sagot nya sa tanong na ito.
She is just an ordinary girl. Not so pretty but she have a long layered black hair and a brown eyes. An ordinary girl na di nagsusuot ng palda maliban sa school uniform. Mas trip nya magsuot ng maluluwang na tshirt at malalaking shorts. Mahilig umakyat sa mga puno ng mangga at bubong ng bahay nila para don matulog. Kahit pa madalas syang pagalitan ng nanay nya dahil dalaga na sya at di na daw dapat kumikilos ng ganon. Pero kahit ganon madalas parin syang maligo sa ilog at manguha ng kahoy na panggatong.
Hindi sya ganon kaganda at hindi sya ganon kapansinin ng mga boys pero she's one of the academic awardees every school year.
Masayahin at friendly, ilan sa mga katangian nya. She is just a simple girl and she is me.
Yeah, di ka nagkakamali ng pagbasa dahil ako nga sya. Ako si Jade Marie Dimawala. Astig ng Last name ko noh? Never na mawawala. Sabi ni author ako daw muna ang magkwento. Ok lang ba? no choice kayo. :-)
By the way, Ordinary at simple lang ako na nag aaral sa isang public school sa isang lugar ng isang probinsya. Lugar kung saan simple at tahimik lang ang buhay. Lugar na napapaligiran ng matataas na bundok, matitikas na punong kahoy, malinaw na batis at ilog at sumisimoy ang sariwang hangin.
Only girl ako samin tatlong magkakapatid at sadly ako pa ang middle child. Simple lang ang buhay namin, di mayaman at di rin mahirap. Nakakaraos pa rin kahit papano kahit magsasaka lang ang nanay at tatay ko. Only girl, kaya ako gumagawa ng gawaing bahay na hate na hate ko. Mas gusto ko kase ang ginagawa ng dalawang kapatid kong lalake. Pero no choice ako kase for sure tapos ako sa nanay ko.