Bakit hanggang ngayon ay single ka pa?

45 2 0
                                    

JADE MARIE's POV

Monday na naman. Tapos na ang camping, pero hanggang ngayon masakit pa rin. Masakit pa rin ang bawat eksenang iyon. Andito ako sa ilalim ng punong mangga habang nag iintay mag bell. Pinili ko muna mapag-isa dahil nahihirapan pa rin ako sa sitwasyong ito.

"Jade," biglang sumulpot si ate Shiela galing sa likod ko.

"Ate Shiela, ikaw pala. Ok ka na?" hindi sya nakasama sa camping dahil nilagnat ito.

"Oo ok na ko, balita ko hinakot mo ang mga awards ah."

"Hindi naman, kung ikaw siguro ang andon lahat nang contest panalo." mas matataas kase ang mga grades ni ate shiela sa akin. Na sesense ko nga na sya ang magiging valedictorian.

"Ikaw talaga napaka humble mo, ang swerte ni Jen ikaw ang bestfriend nya. Kung naging close lang sana tayo ng mas maaga baka ako ang naging bestfriend mo." nahiya naman ako sa sinabi ni ate Shiela.

"Bihira lang makahanap ng totoong kaibigan. Mabait na at maganda pa." si ate Shiela binobola pa talaga ako.

"Ikaw din naman ah. Ang swerte ko kase kaibigan kita."

"Sayang talaga di ako nakasama." bumuntong hininga muna ito saka nagsalita ulit.

"Balita ko si JL at Jen na? Totoo ba?"

Tumango ako.

"Kaya pala mag-isa ka ngayon. Kanina pa kita napapansin na malungkot eh." si ate Shiela?

"Huh? Di naman eh."

"Asus, kunwari ka pa. Ano ka ba naiintindihan kita." ngumiti ito. Ano ba kase ibig nito sabihin.

"Nasanay ka kase na kasama mo lagi si Jen kaya ngayong may boyfriend na sya ito naninibago ka kaya malungkot ka. Tama?"

Ngumiti ako at tumango. Haaay nakahinga ako ng maluwag.

"Pero masaya ako para sa kanya."

"Sobrang saya nga ng bestfriend mo eh, ayon nasa loob ng room. May balak ata na makipagpalit ng upuan kay Myla." mukhang naiinis si ate Shiela.

Parang mas pabor sa'kin yon. Atleast di sila sa harap ko mag lalandian.

"Hayaan mo na ate, masaya sya don eh."

"Alam mo naiinis ako dyan kay Jen, masyado kase halatang kinikilig. Porque inlove sya kailangan bang buong mundo nya kay JL na lang umiikot? Di nya ba nakikita na mag-isa ka dito?"

"Ganon lang siguro si Jen kapag naiinlove."

"Kahit na, sorry to tell ah pero base on my observation halata naman sya lang ang kinikilig sa kanilang dalawa." ganito talaga sya. Prangka si Ate Shiela pag naiinis sya sa isang tao.

"Di mo lang siguro napapansin si JL, Ate Shiela."

"Ewan ko, pero sana nga mali ako."

"What do you mean?"

"Iba kase si JL ngayon kesa noon. Feeling ko di sya masaya. Iba kase sya nong third year tayo. Kahit ordinary days lang masaya sya kapag magkakasama tayo. Pero, diba ngayon, everyday ay dapat special days for him kase sinagot na sya ng nililigawan nya pero parang di sya masaya."

"Hindi naman siguro." Ang totoo di ko alam kase wala akong balak tingnan si JL. Nasasaktan ako eh.

"Ay naku JM, minsan nga buksan mo yang mga mata mo. Wag ka nga bulag. Alam mo bang mas napapansin ko na kakaiba ang saya ni JL pag kausap ka nya."

Nagulat ako sa sinabi ni Ate Shiela.

"Ganon lang talaga yon ate kase kaibigan ko din naman sya eh. Tsaka di na importante kung totoo man 'yon. Masaya ako na sila na." Haaay ang sarap batokan ng sarili ko. Ang galing ko talaga mag pretend.

Bakit hanggang ngayon ay single ka pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon