JADE MARIE's POV
Nandito ako ngayon kasama si Jen sa ilalim ng punong mangga. Maaga ako pumasok kase nagtext sya na may sasabihin daw.
"Jen, ano ba sasabihin mo sa'kin? tanong ko.
"Ahmm." ngumiti ito at halatang kinikilig.
"Bes, nililigawan na 'ko ni JL!" with matching tili pa itong si Jen.
"Aray ah. Ang sakit!" kumunot ang noo ko. Nagtaka naman si Jen sa sinabi ko.
"Huh?" (??) si Jen.
"Ang sakit sa tenga ng tili mo! Makatili wagas?" hay hanggang dito lang naman ang kaya ko. Kahit ang totoo ang sakit sa puso ko. Pero masaya akong makitang ganito kasaya si Jen. 1st year palang kami may mga naging boyfriends na sya. Kilala ko silang lahat, kase nga, ako ang bestfriend nya. Maganda sya kaya siguro habolin ng mga boys.
Pero sa lahat ng naging relasyon at mga nanligaw sa kanya ay ngayon ko lang sya nakita na ganito kasaya.
"Ai sorry, ang saya lang kase." si Jen.
"Kelan pa?"
"Nong nakaraan pa, ang hirap mo kase kausapin nitong mga nakaraang araw kase kunot noo ka lagi eh." si Jen.
"Oo nga eh." ang kuripot ko sumagot noh? Bakit kase ganito ang topic.
"Alam mo ba bes, may di pa ko nakukwento sa'yo? Ikukwento ko na kase may plano na 'kong sagotin si JL." Haaay Jen naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako kase, hindi eh nabibingi na ata ako.
"Parang ang bilis naman kung sasagotin mo sya agad." Kayo na masaya ako na ang tanga.
"Eh baka makahanap pa ng iba, alam mo naman diba na gustong gusto ko sya?" si Jen.
"Ano ba ikukwento mo?" tanong ko.
"About lang sa feelings ko, sure ako, sya na nga talaga ang para sa'kin. Madami na ko naging boyfriends pero iba sya eh." ngumiti ito saglit at nagsalita ulit.
"Saan ka ba makakakita ng lalakeng kagaya nya? Diba wala na?" dugtong nito. Tumango lang ako. Kase naman saan ka ba makakakita ng magbestfriend na iisa lang ang gusto. Dito lang sa ilalim ng puno ng mangga.
"Nong unang beses pa lang kami magkatext feel ko na gusto nya rin ako. Alam mo minsan tinanong nya ko kung ano ang gusto ko sa isang lalake. Actually tinanong nya din sa'kin kung ano ang gusto mo sa isang lalake at kung sino crush mo. Pero syempre ang sabi ko seryoso kang tao at ayaw mo pa ng mga crush crush na yan. Diba yon naman ang madalas mo sinasabi sakin before magkahiwalay tayo ng section. After nya itanong un, tinanong nya din ako kung may crush na ba ko or bf. Pa torpe effect pa, kunwari ikaw ang topic pero di lang makapag tanong directly. Non pa lang feel ko na talaga nagpaparamdam na sya ng feelings for me."
Napakahabang kwento naman ito Jen. Ang sakit kaya. Pero may naalala ako sa kwento nya, nong minsan tanungin ako ni JL kung ano ang gusto ko sa isang lalake. Haaays kung sabagay game lang naman yon. Di gaya ng sa kanila ni Jen na tinanong nya directly.
"I'm happy for you. Nasa'yo na yan kung sasagotin mo na sya. Advice ko lang hindi ba parang masyado atang mabilis?"
"Ayaw mo ba? Wala ka bang tiwala kay JL gaya ng sa mga ex ko?" tanong ni Jen.
Sa lahat kase ng naging boyfriend nya ni minsan di ako nakakita ng lalake mukhang seryoso sa kanya. Kaya ito ngayon si Jen ang dami ng binilang na boyfriend. Ewan ko din ba naman sa babaeng 'to di ata mabubuhay ng walang boyfriend. Akala ko pa naman na realized na nya na mas masarap maging single kase nong 3rd year di sya nag boyfriend.
"Hindi naman. Close kami ni Salazar, kilala ko sya at alam ko mabait sya. ...... Hmmmm...... Sige na nga bahala ka na."
"Thanks best, lagi ka andyan para supportahan ako. Pero don't worry, di ko naman sya sasagutin bukas. Mga 1 month after today." si Jen. Tumingin lang ako sa kanya.