JADE MARIE's POV
JS Prom na namin, naglalakad na ako papasok sa gate ng campus. Simple lang ang suot ko at simpleng make up.
"Jade, ang ganda ganda mo ah. Dalaga ka na sa ayos mo ngayon." si manong guard.
"Hehehe si manong talaga, binobola pa ako."
"Nag sasabi lang ako ng totoo, sigurado ako, mamaya mangangawit ang mga paa mo sa pagsayaw. Lahat sila magkakadarapa maisayaw ka lang."
"Hindi naman po siguro." kaclose ko din kase si manong guard. Madalas nya kase ako binabati tuwing papasok ako ng gate. Madalas din magtambay si JL sa may guard house. Sila ni manong ang madalas magka kwentuhan.
Naglalakad na ako sa path walk lahat sila nakatingin sa akin. Feeling ko tuloy nanliliit ako. Nahihiya ako kase lahat sila pinag mamasdan ako. Kaya ito, nakatungo habang naglalakad. Dumiretso na ako sa pila dahil mag uumpisa na.
After ng candle lighting ay rigidon naman. Pinabunot kaming lahat ng half heart-shape na color red na papel. Maya-maya pa sinabi na samin kung ano ang purpose ng kalahating puso. Hahanapin namin ang kapareha ng puso na hawak namin. Isang PuSo lang ang magkasukat. Ang kalahati ay mapupunta sa junior at ang kalahati naman ay sa senior. May nakasulat sa parehong kalahati nito na "Be My Valentine".
"Oh my! ako ang nakakuha ng kalahati." si Jen na nasa kabilang table lang. Pinaakyat na sya sa stage at umakyat na din si Marco ang junior student na tinatawag din na heartthrob ng mga kaklase nya.
Sila ang naging Mr. and Ms. JS. Nag umpisa na ang sayawan. Ang unang song na naka play ngayon ay King and Queen of Hearts. First dance ko ngayong gabi ang junior student na partner ko. After ng song na'to kung sino-sino na ang mga sumayaw sa akin, may mga junior at karamihan ay mga batchmate ko. Sumasakit na talaga ang paa ko, wala na ata silang balak paupoin ako ng matagal. Sumasali pa 'tong si Dave at Ian na nakakailang sayaw na sa akin.
Nakaupo na ako ngayon, kainan na kase eh. Nagutom talaga ako at napagod sa pag sayaw. Ang sakit ng mga binti ko at paa ko.
Ilang minutes after namin kumain nagbigay ng signal ang emcee na sayawan time na ulit. Ang sakit na ng mga paa ko taz sayawan na naman.
Bigla naman nag intro ang isang kanta. Ang sarap pakinggan ng intro nito. Dahil sa tuwing naririnig ko ang kantang ito, kinikilig ako.
"Pwede ba kita isayaw?" Napalingon ako sa lalakeng nanggaling sa likod ko.
"Salazar." ngumiti ako at inabot ko sa kanya ang kamay ko. This time ayaw ko umiwas sa kanya. Gusto ko kase eenjoy ang napaka gandang kantang ito.
{No one ever saw me like you do.
All the things that I could add up to.
I never knew just what a smile was worth.
But your eyes say everything with out a single word.}
Hawak nya bewang ko at ang mga kamay ko naman ay nasa balikat nya. We dance na para bang kami lang ang tao dito. Humihinto na naman ang oras dahil tanging mga mata nya lang nakikita ko. Ngumiti sya at ngumiti din ako na parang nag uusap.
{Cause there's something in the way you look at me.
Its as if my heart knows youre the missing piece.
You made me believe that theres nothing in this world I can't be.}
Pwede bang forever na lang kami ganito? Pwede bang hwag na matapos ang kanta. At kung pwede lang sana..... Sana kasabay ng paghinto ng orasan na nararamdaman ko,...sana kasabay din non ang pag tibok ng puso nya para sa akin.