IAN's POV
Kanina pa ko dito sa harap ng room ng mga girls. Bawal pumasok ang mga boys sa room ng mga girls kaya dito lang ako. Kanina pa kase sa loob si JM, wala atang balak lumabas. After kase nya makainom ng gamot kanina, paglabas ni Jen sa kwarto, sya naman ang pumasok. Nag aalala tuloy ako baka masama parin pakiramdam nya. Pero kanina naman after nya makainom ng gamot ay unti-unti na nawawala ang pamamantal nya.
3:15 na halos dalawang oras na ko dito sa labas. Si Dave naka upo lang sa tapat ng inuupuan ko. Halata namang may gusto ang lalakeng ito kay JM. Sobrang concern nya din kase.
Maya-maya pa ay tinawag ni teacher si Dave. Lumabas sila ng tent, may ipapagawa siguro. Nagulat ako ng biglang lumabas ng kwarto si JM.
"Asan si Jen?" tanong nito sa akin.
"Ah, asa labas. Nasa may puno ng mangga, sa may swing." may dala-dala tubig na naka bottle si JM.
"Ok ka na?" tanong ko.
"Oo. Wait lang ah. Pupuntahan ko lang si Jen. Time na kase para inomin nya itong paracetamol." agad sya umalis sa harapan ko.
"JM wait lang,.. ano kase." bigla na lang nag disappear si JM sa harap ko. Ang bilis nya kase lumabas. Patay ako kay JL at Jen! Hindi ko nasabi kay JM nag-uusap ang dalawa. Seryosong usapan kaya nga walang lumalapit sa kanila. Maiistorbo sila ni JM. After ng ilang minuto pa bago ko pa naisip ang dapat ko gawin at 'yon ay ang sundan si JM.
JADE MARIE's POV
Tumatakbo ako kase hinahanap ko si Jen. Papainomin ko na kase sya ng gamot. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita sila ni JL na magkatabi sa bench sa lilim ng punong mangga.
Umiwas na nga ako kanina sa ganitong eksena pero di pala ako ligtas sa isang ito. Nasasaktan na talaga ako ng sobra-sobra. Hahakbang na sana ako pabalik nang...
"JM." tinawag ako ni Jen. No choice kundi humarap ulit.
"Ahmmm kase." lumapit ako sa kanila. Si JL nakatungo lang at parang di ako nakikita.
"Pasensya na nakaka istorbo ata ako. Ahmmm ito oh Jen, time na kase para inumin itong gamot mo." inilapag ko sa bench ang water bottle at gamot. Niyakap ako ni Jen. Happiness lang ang nakikita ko sa mukha nya. Parang hindi sya nilalagnat sa itsura nya ngayon.
"I love you talaga bes. Thank you."
"Wala un." mahina kong sagot. Gusto ko na umalis, yon ang gusto ko gawin ngayon.
"Sige alis na ko." paalam ko.
"Wait lang bes, may good news kami ni JL sa'yo." tumingin bahagya si JL sa akin. Agad naman lumapit si Jen kay JL. Nagholding hands sila at....
"Kami na!" si Jen ang nag salita. Parang binihusan ako ng sobrang lamig na tubig dahil sa narinig ko. Sobrang pagpipigil na nga ng luha ang ginagawa ko. Kisap ako ng kisap para pawiin ang mga luha gustong kumawala sa mga mata ko. Ayaw ko mahalata ni Jen na nasasaktan ako kaya bago pa tumulo ang luha ko ay nag salita na ako.
"Co..... congrats! Masaya .... ako para sa inyo." nahihirapan ako magsalita. Pero ngumiti pa rin ako, ngiti na mukhang sobrang saya pero deep inside ay durog na durog na. Wala akong choice kundi mag pretend.
"JL, wag mo paiiyakin si Jen ah, kung hindi lagot ka sa'kin. Happy ako para sa inyo. Sige aalis na ako, moment nyo to eh." ngiting-ngiti ako sa kanila. Pero nang tumalikod na ako agad na pumatak ang luha ko. Inihakbang ko na ang mga paa ko, ang luha ko ay kusa ng pumapatak at nag uunahang dumaloy sa pisngi ko. Nagbublur na ang paningin ko dahil sa mga luha sa mga mata ko
Nakakailang hakbang palang ako nang may mabangga ako . Inangat ko ang ulo ko.
"Ian" nagtatanong ang mga mata niya dahil sa mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Bahagya syang tumingin sa gawi nina Jen at muling tumingin sakin.
"Bakit____" di ko na hinayaang maituloy ni Ian ang sasabihin nya dahil ilang hakbang lang ang pagitan namin kayna JL at Jen.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Ian, hinila at tumakbo.
Tumatakbo ako pero hindi ko alam kung saan ako pupunta habang hawak ang kamay ni Ian. Alam kong nagtataka na ito pero di lang magawang magtanong. Basta ang tanging gusto ko lang ay lumayo. Lumayo kay Jen at JL, umiyak at sumigaw. Pero paano? May bitbit ako sa pagtakbo? Pano ko itatago ang lahat at ano ang idadahilan ko kung bakit ako umiiyak?
"JM, ok ka lang?" tumigil ako sa pagtakbo. Nakatalikod ako kay Ian. Malayo na rin naman ako kayna Jen at JL, malayo sa mga tent....., malayo sa mga tao. Sakto ang lugar na ito para magtago. Nasa likod kase kami ng isang napaka laking puno ng narra habang sumisimoy ang malakas na hangin.
"Ok lang ako." mahina kong sagot. Patuloy pa rin ang silent tears ko. Nasa likod ko pa rin sya at nakikiramdam.
"Ahmmm... ahhh.... Umiiyak ka ba?" tanong ni Ian.
Umiling ako.
"Napuwing lang." ako.
"Ah..." tumahimik sya. Halos ilang minuto kaming tahimik. Nasa likod ko lang sya. Pero ang mga luha ko ay di pa rin tumitigil. Kusa pa rin itong lumalabas sa mga mata ko.
"Siguro, mas magiging ok ang pakiramdam mo kung sasabihin mo kung ano man ang dahilan ng pag iyak mo or wag mo pilitin itago ang pag iyak mo." nag aalala ang boses ni Ian.
Dahan-dahan akong humarap. Ngayon kitang-kita na nya ang luhaan kong mukha. Mukhang nagugulohan si Ian sa nakikita nya ngayon dahil di sya makakibo nang humarap ako sa kanya.
Hirap na rin akong pigilan ang pag-iyak ko. Kaya ito at humahagulhol na ako. Umiiyak ako na parang isang batang inagawan ng candy.
Agad ako hinila ni Ian papalapit sa kanya at niyakap.
"Sige umiyak ka lang. Iiyak mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Hindi mo kailangan eexplain sa'kin kung bakit ka umiiyak. Ang importante ay nandito lang ako para iyakan mo at magpunas ng luha mo. "
***