Bakit hanggang ngayon ay single ka pa?

59 2 0
                                    

Jade Marie's POV

Heto ako hindi makatulog, tatagilid, dadapa, magtatabon ng unan sa mukha. Ano ba ang nangyayari sakin? Gusto ko sumigaw at sabihing

"Salazar Mahal na mahal kita!" pero di ko kaya yon eh. Kahit ibulong nga lang sa katabi ko di ko magawa, sumigaw pa kaya.

Lumuhod ako. Alam ko SYA alam nya lahat kahit di ako magsalita. Nakatungo ako at haiissst ito naman ang baha. Kusa na lang lumalabas ang luha sa mga mata ko. Bumulong ako.

"Alam ko po nakikita nyo ko ngayon. Alam ko po napaka babaw ng dahilan ng pag iyak ko. Pero ang lalim na po kase ng nararamdaman ko. Umiiyak ako dahil nagmamahal ako, nagmamahal sa isang lalake na nagmamahal naman sa bestfriend ko. Ang sakit na po kase, yong bestfriend ko madalas magkwento about sa kanilang dalawa. Pwede po bang manhid na lang ako?"

Di ko na magawang pigilan ang sarili ko. Umiiyak na ko with sounds. Ang hirap itago eh. Ako lang naman dito sa room ko. Wish ko lang wag nila ako marinig na umiiyak.

"Tulungan MO po ako. Ano po ba ang gagawin ko?" bulong ko. Pinunasan ko ang luha ko nang tumunog ang cp ko.

1 message received

(Kung hangin lang sana ako,

Pipiliin ko manatili sa tabi mo.

Di mo man ako nakikita,

Pero nasa 'yo na yon kung pano mo ako mararamdaman.)

From: Bakulaw

Bakulaw ang sinave kung name nya kase naiinis ako kung sino man sya. Sinusubukan ko syang tawagan pero pinapatayan naman ako ng phone. Third year pa lang ako nagttxt na 'to sakin, puro quotes lang naman. Bihira man sya magtxt yon nga lang timing na katabi ko si kuya. As usual papagalitan ako at sesermonan ng mahabang-mahaba. Bata pa daw ako para sa ganito.

Pero ngayon kailangan ko ng kausap eh sana naman matino itong kausap.

From: JM

To: Bakulaw

(Hi, i need someone to talk, pwede ka ba? Don't worry di kita kukulitin kung sino ka. Ok lang ba?)

Nahiga ako at nag intay ng reply nya. Sana naman mag reply ulit.

{Oo ba, ikaw pa eh malakas ka sa akin. Ano bang problema?} reply ni Bakulaw.

(Heart problem.) reply ko.

{Sige kwento mo sa akin.} si Bakulaw.

(Inlove ako sa isang guy na may gusto sa bestfriend ko.)

5 mins. na bago nagreply si Bakulaw.

Bakulaw: {Ga'no ba kamahal ung guy?}

JM: (Mahal ko sya)

Bakulaw: {Eh yong bestfriend mo?}

JM: (Mahal ko din sya. Ayoko sya masaktan. Ano gagawin ko?)

Bakulaw: {Pumili ka sa kanilang dalawa.}

JM: (d ko alam kung sino pipiliin ko. :-( pano ko malalaman kung sino dapat piliin ko?)

Bakulaw: {Di ko din alam.} napaka walang kwenta nitong hinihingan ko ng advice. Di ko na sya nireplyan. After 3 mins. nagtxt sya ulit.

Bakulaw: {Siguro humingi ka ng sign. Bye.}

Napaisip ako sa message ni Bakulaw. Bigla kong naisip na bakit di ko nga idaan sa sign.

Bumuntong hininga ako. Ano bang magandang sign ang hihingin ko para malaman kung sino sa kanila ang pipiliin ko. Tatlong sign ang gagawin ko para naman sigurado.

1st Sign: Bukas pag pasok ko dapat si JL ang unang tatawag sa pangalan ko.

Yon ang first sign na hiningi ko dahil mahirap yon mangyari. Lagi kase late pumapasok si JL kaya imposible na sya ang unang tatawag sa pangalan ko.

Yong second sign ay gagawin ko pag nangyari na yong first sign. Kase nga naman ano pa ang use ng second sign kung di naman mangyayari ang 1st sign.

Kapag nangyari ang tatlong sign si Jade Lance ang pipiliin ko. Ipagatapat ko kay Jen ang feelings ko para kay JL. Pero kapag hindi yon nangyari, si Jen ang pipiliin ko.

Kinabukasan maaga ako gumising. Maaga ako papasok ngayon, di dahil ayaw ko na sya ang unang tumawag sakin. Ayoko lang mag assume. Mas mabuti na lang na wag umasa kesa masaktan lang ako.

Naglalakad ako papalapit sa classroom. Lumilipad ang utak. Di ko na nga napansin na nasa pinto na ko ng classroom. Ihahakbang ko na ang paa ko sa pinto nang makita ko si Jade Lance nakaupo sa table ni Sir habang nagsusulat.

Napalingon sya sa'kin at ngumiti.

"Jade Marie," tinawag nya ako. Dumeretso ako sa upuan ko at di sya pinansin.

"Jade, Jade, JM, Jade Marie Dimawala." lakas ng trip ng lalakeng ito. Complete name talaga.

"Bakit ka ba tawag ng tawag?" tanong ko.

"Wala lang, gusto lang kita tawagin." nakangiti pa rin ito.

"Adik ka talaga." naupo na sya at itinuloy ang assignment sa math.

Bigla ko naman naalala ang first sign na hiningi ko. Kinabahan ako at tumayo ang mga balahibo ko. Totoo ba ito? Nagkatotoo ang first sign? Kelan pa natutong pumasok ng maaga si JL? God, sya ba talaga ang gusto mo piliin ko? Pano 'yong bestfriend ko? Haisst may second sign pa naman.

Time na para gawin ang second sign. Ang second sign ay sa intramurals namin. Malapit na kase. Tatlong family ang meron red, blue and yellow. Family red ako, si Jade Lance ay family Blue.

Ang second sign ko ay kailangan Family Yellow ang manalo. Pinili ko yon kase yon ang favorite color ko.

Gaya ng una ayoko umasa dahil ayoko masaktan. Bahala na ang sign.

Bakit hanggang ngayon ay single ka pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon