Bakit hanggang ngayon single ka pa?

52 2 2
                                    

Jade Marie's POV

Another day na, ilang another days pa ba ang kagaya ng eksena kahapon. Ayaw ko na magtanong kay Jen tungkol sa kanilang dalawa. Hihintayin ko sya mag open sakin. Dahil ayaw ko lang saktan ang sarili ko ay umiyak na naman mamayang gabi. Bumabaha ang unan ko eh.

"JM sulat ka sa slumnote ko." si Myla.

"Sige, balik ko na lang sa'yo maya." binuksan ko ito at nakita ang fill up ni JL. Ito na naman ang curiousity ko. Binasa ko yon unti makarating sa questions na:

Who is your crush: madami eh.

Who is your love: sya lang.

Message to special someone:

Hi,

Alam mo bang gustong gusto kita. Dahil mabait ka, lahat nasa'yo. Alam mo bang ang ganda ganda mo? Pero hindi mo 'yon alam kase di mo yon nakikita. Kung hindi man ikaw ang para sa akin, mamahalin pa rin kita. Itatago kita dito sa loob ng puso ko. It's sound corny pero sayo ko lang naramdaman ang paghinto ng orasan.

Its me, JL

o_O ano daw? ibig ba sabihin nito nararamdaman ni JL kay Jen 'yong nararamdaman ko sa kanya? Pero baka sakin naman ng message na'to? Pero imposible kase nililigawan na ni JL si Jen. Kung ako 'to bakit nya nililigawan si Jen? Nakakaloka. Agad kong sinagutan ang slumnote ni MYLA. This time gusto ko mag pakatotoo. Finill up ko ang mga question na di ko dati sinasagutan. Bahala na pero sasabog na talaga eh.

Who is your crush: He!

Who is your love: Someone who can look at my eyes.

Message:

Hello,

Gusto kita pero gusto mo sya pero mahal pa rin kita. Madami man nagbago sa ating dalawa masaya pa rin akong naging bahagi ka ng buhay ko. Thanks a lot.

JM

:'( kala ko kaya ko na isulat name nya pero hindi parin pala.

Binalik ko na agad kay Myla ang slumnote nya after sagotan. Recess na nagpaiwan ako kay na Jen. Wala kase ako sa mood kumain. Kunti lang kami sa classroom ng lumapit si Myla sa akin.

"Nabasa ko 'yong sinulat mo? Sino sya?" tanong ni Myla.

"Bakit mo tinatanong?" ako.

"May nagpapatanong lang kase."

"Sino nga?" tanong ko ulit.

"Yong katabi ko. After nya mabasa yong sagot mo don nacurious sya."

Katabi daw? eh si JL at Richard lang katabi nya eh.

"katabi?" ang kulit ko noh?

"Alam mo bang madalas ko sya nahuhuli naka tingin sa'yo. Napansin ko rin simula ng nachismiss kayo ni Ian ay madalas malungkot sya. Di man nya yon sinasabi pero napapansin ko talaga yon. Crush ka ni JL, di mo lang napapansin."

Bumilis pagtibok ng puso ko. Nakuryente ata ako. Sana totoo naman ito. Pero parang di naman.

"Ano ka ba si Jen ang tinitingnan nya. Kase si Jen ang nililigawan nya." may point naman talaga ako. Malay ko ba baka duling ito si Myla eh nasa unahan ko lang si Jen. Ako kong mag assume dahil ayaw ko masaktan ng sobra. Buti na yong ganito, kung ako eh di Thank You, kung hindi Sorry.

"JM, minsan nga wag kang bulag. Di lahat ng nakikita mo ay yon na yon." ang weird nito ni Myla. After ng line na 'to nag walk out. Yon ang nakikita ko kaya ito ang pinapaniwalaan ko.

Bakit hanggang ngayon ay single ka pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon