Migo Rilla (Choi Minho) on the media. ❤
Ngayon kilala niyo na kung sino ang nanakit sa Maganda nating bida. Hahaha...
Continue Reading Magagandang Readers! ❤
Comment, vote and share pa more!Pero bago daw kayo magbasa... kakanta lang daw ang ating Magandang Bida. Hahahaha... Pagbigyan niyo na po. 😂
Handa Awit!
"May tatlong bibe akong nakita
Mataba, mapayat, mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa...
Siya ang leader na nagsabi ng kwak-kwak
Kwak-kwak-kwak-kwak-kwak-kwak
Siya ang leader na nagsabi ng kwak-kwak
Kwak-kwak-kwak-kwak-kwak-kwak~"Okay pwede na kayo mag-basa... hahahaha...
***
POV ng Maganda:
"AAAAAAHHHHHHHHHHH... KINIKILIG AKO. WHOOO!!!" Tili ni Mitsu
"This must be love. Hay..." Kinikilig na sabi ni Ana
Naka-ngisi lang si Jam sa akin. Shet! Parang nagsisisi na ako na sinabi ko sa kanila. Kwinento ko kasi sa kanila yung nangyari nung isang araw sa amin ni Hiro.
Leche! Hindi ko alam pero kada maaalala ko yung nangyari, hindi ko mapigilang mamula. Halos hindi rin ako makatulog nitong mga nakaraang araw dahil pilit na bumabalik sa isip ko yung eksena na tinatawag nilang #Subo.
Hindi pa ulit kami nagkakausap ni Hiro kaya malabo pa rin. Hindi ko alam kung bati na ba kami o ano. Ang gulo! Basta magulo lahat. Tsk!
"If I were you Jannah I will give Hiro a chance. Malay mo siya na pala ang susi sa pagmo-move on mo." Sabi ni Mitsu
"Hindi ka talaga nagsasawang i-reto ako kay Hiro ano Mitsu? Tsk! Kaibigan ko nga lang yun sabi ilang beses ko pa ba uulitin ha?!" Napipikon kong sagot.
"Sows! Kaibigan pero masyadong affected? Kaibigan pero palaging iniisip? Kaibigan pero iniiyakan? Kaibigan pero kinikilig? Talaga lang ha?" Mataray na sabi sa akin ng chikadorang si Mitsu.
"Baka naman attracted ka na bebe Jannah kay Hiro. Hindi ka lang aware. Crush mo ata yun eh." Pang-aasar ni Ana sa akin
"Hindi ah. Friends lang talaga turing ko sa kanya. Promise!"
"Sige... itanggi mo pa hangga't kayo mo. Tss..." Pang-babara ni Mitsu
Attracted nga kaya ako kay Hiro? Paano kung Oo? Anong gagawin ko? Paano si Migo? Alam ko sa sarili ko na Mahal ko pa rin siya at kahit hindi ko man sabihin, umaasa pa rin ako na magkabalikan kami.
"Teka nga lang Mitsu. Hindi pwede bigyan ni Jannah si Hiro ng chance kung hindi naman ito humihingi. Hindi natin alam ang nararamdaman ni Hiro. Huwag natin sila pangunahan." Si Jam naman ang nag-salita.
"Tama si Jam, Mitsu. May mga bagay na hindi dapat minamadali o pinangungunahan dahil yan ang reason kung bakit nagkakamali ang isang tao." Pag depensa rin ni Ana
"Ana, Jam, hindi sa pinapangunahan ko si Mitsu or si Hiro. Minsan kasi may mga bagay na di na kailangan sabihin pa, minsan kailangan pakiramdaman mo na lang."
Juskopo! Lalo akong naguluhan sa kanila. Ano ba yan! Iniistress nila ang mga sarili nila dahil sa love life ko.
"Awat na awat na. Baka mag-away pa kayo. Hay! Ganito na lang. Abangan na lang muna natin ang mga mangyayari. Okay? Huwag tayong atat ha?"
![](https://img.wattpad.com/cover/55079187-288-k664290.jpg)
BINABASA MO ANG
Reyna Ng Mga Hugot! (ON HIATUS)
General FictionWalang HUGOT kung walang NASAKTAN! Leche! Ako si Jannah Maganda, OO! Maganda. Maganda AKO at ang apelyido ko. May angal?? Umibig, nasaktan, nabitter, humugot. Ito ang kwento kong walang kwenta. Ano babasahin mo pa ba? O katulad ka rin ng mga taong...