Yeah! 10 Chapters na ang RNMH!
Continue Reading.
Please Vote, Comment and Share this story. slightsmile emoticon
I decided to join this story at #Wattys2016. Please support me! Thank you!
***
POV ng Maganda:
"Ganda! Ang sweet oh!" Sabi ni Hiro sabay turo doon sa mag-syotang naglalandian
"Anong sweet diyan? Walang Forever! Magbe-break din yan!" Mapakla kong sabi with matching irap.
Tumawa lang si Hiro sa sinabi ko. Nandito nga pala kami sa park na malapit sa University na pinapasukan namin. Kakatapos lang kasi namin mag-enroll kaya tumambay muna kami dito para makapagpahinga.
Ilang buwan na nga ba ang lumipas? Dumaan ang Pasko, Bagong Taon, Valentine's, at Bakasyon. Ang bilis ng panahon. At sa mga oras na yon, lagi kong kasama si Hiro.
Ramdam ko na mas lumalim at tumatag yung friendship namin ng Hiro Win na ito! Marami na akong alam sa kanya at ganun rin naman siya sa akin maliban lang sa isang bagay...
Ang tungkol sa EX kong si Migo.
Lumipas ang maraming buwan pero hindi ko pa rin masabi sa kanya. Hindi ko kasi feel pati ayaw ko pa rin balikan ang nangyari noon kahit halos isang taon na kaming hiwalay.
Speaking of Migo, matagal na rin akong walang balita sa kanya. Lagi rin itong paiwas kapag nakikita namin siya sa University magmula noong narinig niya yung usapan namin nina Ana, Mitsu at Jam.
Kapag nakikita niya ako kasama si Hiro, pansin ko yung tingin niya sa amin na parang nasasaktan, galit, selos, at parang papatay. Ewan ko ba! Pero natutuwa ako kasi ganun yung reaction niya pero at the same time naiinis kasi naguguluhan ako sa kanya. Hay! Gulo diba? Tsk! Ang hirap mag-move on.
Biglang may pumitik sa noo ko.
"Aray naman Hiro! Nadamage ata ang Maganda kong noo. Aww..." Sabay hawak ko sa noo ko.
"Arte! Nakatulala ka kasi..." Pagdadahilan niya.
"Sadyang ganun talaga ang Magaganda, natutulala. Hindi ko na kasi alam ang gagawin kasi sobrang ganda ko na. Nakakasawa na tuloy."
"Hahahaha... biglang humangin ata ng malakas ah." Sabi ni Hiro habang natawa.
BINABASA MO ANG
Reyna Ng Mga Hugot! (ON HIATUS)
Ficción GeneralWalang HUGOT kung walang NASAKTAN! Leche! Ako si Jannah Maganda, OO! Maganda. Maganda AKO at ang apelyido ko. May angal?? Umibig, nasaktan, nabitter, humugot. Ito ang kwento kong walang kwenta. Ano babasahin mo pa ba? O katulad ka rin ng mga taong...